HINDI nabanggit sa amin kung ilang araw, linggo o buwan naghintay kay Kris Aquino ang may-ari ng Dalisay Ultra Premium Rice na bagong ini-endorso ngayon ng Queen of All Media dahil nga nagkasakit siya at dumaan siya sa series of medical tests sa Singapore bukod pa sa ilang beses silang nagbakasyong mag-iina sa iba’t ibang lugar dito sa Pilipinas at sa ibang bansa.
Nagbigay naman daw si Kris ng abiso sa mag-asawang Patrick at Rachel Renucci na siyang may-ari ng Dalisay Ultra Premium Rice na matatagalan siyang makakabalik sa trabaho dahil nga hindi pa maayos ang pakiramdam niya, pero nagsabi ang owner ng ChenYi Agventures Rice Processing Center mula sa Alang-Alang, Leyte na maghihintay sila at hindi naman sila nabigo.
Ang nasabing uri ng bigas ay Japanese rice locally grown sa Pilipinas ay maraming magsasakang natutulungan dahil advocacy ito ng mag-asawa na nagtayo ng rice mill sa Leyte at tumutulong sa farmers na magtanim ng premium rice at i-market ito.
Tubong Leyte si Rachel at naawa siya sa mga kababayan nu’ng tumama ang bagyong Yolanda dahil nasira ang kabuhayan nila, ang pagtatanim ng palay kaya naisip nila ng asawang Pranses na tulungan ang mga nasalanta ng bagyong Yolanta.
At sa inauguration ng ChenYi Agventures Rice Processing Center sa Leyte ay ang Pangulong Rodrigo R. Duterte ang panauhing pandangal.
Going back to Kris ay kaagad naman niyang nagustuhan ang Dalisay rice dahil masarap at malasa, tanda namin na lagi niyang sinasabi na kapag masarap ang kanin ay mapaparami ang kain mo.
At dahil mahal ang bigas ngayon kaya naisip ni Kris na ito ang kanyang pamasko sa mga bibigyan niya ng regalo ngayong Disyembre at sa mga nakatanggap ay natuwa sila.
As of now ay marami pang produktong ini-endorso ni Kris ang isa-isang pang makikita sa kanyang social media.
-REGGEE BONOAN