NAPANALUNAN ni Jaimee Nicole Angeles Manio ang titulo bilang Miss Silka Philippines 2019 sa coronation night na isinagawa sa Activity Center ng Market Market, Bonifacio Global City, Taguig City nitong nakaraang Biyernes.Siya ang nagwagi sa 26 na kandidatang nagmula sa iba’t ibang probinsiya ng Pilipinas.
Iniuwi rin ng 20 taong gulang na estudyante ang cash prize na P150,000 at mga produkto ng Silka. Si Jaimee rin ang mamamahagi ng P100,000 sa pipiliin niyang kawanggawa dahil siya rin ang hinirang na Best in Swimsuit.
Naririto ang kasagutan ni Jaimee sa question and answer portion, nang tanungin kung paano niya itataguyod ang “self-love” na pinalalaganap ngayon sa campaign ng Silka:
“I will promote self-love by starting it within myself. I believe you cannot promote something without practicing it. When you practice self-love, you start to give love and care for other people.
You cannot get something which you do not have.”Ang iba pang mga nanalo na tumanggap din ng cash prizes at gift packs ay sina Angelica Corporal, 21, galing Bulacan, first runner-up; Ma. Izabel Lamberth, 19, Baguio City, 2nd runner-up; at Krisha Andrea Pekitpekit, 16, Cebu, 3rd runner-up.
Best in Evening Gown and Miss Photogenic ang Miss Bulacan; Miss Congeniality ang kandidata ng Ilocos; at ang Miss Davao ay tinanghal namang Miss Juicy Cologne.
Nakasama nila sa top 10 ang Zambales, Laguna, Cavite, Zamboanga, at Central Mindanao.Bilang tradisyon ni Silka, may iniuwi pa ring tig-P6,000 at mga produkto ang 22 non-winning contestants.
-DINDO M. BALARES