NAGWAGI sa katatapos na Palarong Maynila (High School Chess Boys) si Jasper Concepcion Faeldonia na top player ni National Master Rudy Ibañez at pambato ng Arellano University. Tinalo ni Jasper ang top player ng National University na si Chester Niel Reyes sa score na 2-1 sa penultimate round para makaharap sa Finals ang kanyang teammate sa Arellano University na si Allan Gabriel Hilario isa ring member ng Philippine Team ASEAN Age Group 2018. Muling nanaig si Jasper sa Final Match sa score na 2.5- 0.5 at nakopo ang kampeonato. Nakamit din nila ang Gold Medal para sa Team.

Ating magugunita tumapos ng co-champion si Jasper para maiuwi ang silver medal sa bansa sa tinampukang 35th Singapore National Age Group chess championship na ginanap Disyembre 27 hanggang 30 sa Singapore kung saan sa Boys Under-14 category lumahok ang tubong Odiongan, Romblon chess whiz kid.

Samantala nagpakita ng lakas ang bunsong kapatid ni Jasper sa Elementary division na si Jerick Concepcion Faeldonia board 1 player ng Legarda Elementary School sa kandili ni Raquel Escal, matapos gapiin ang nangungunang si James Alberto sa penultimate round sa score na 2-1 at tapusin ang final round laban kay Xianne Calumpisan sa score na 3-0 para makuha ang ikalawang pwesto at makasiguro ng slot sa NCR Meet 2020. Nakuha rin nila ang Gold Medal sa Team. Lubos na nagpapasalamat ang magkapatid sa mga tumutulong sa kanilang ensayo kabilang dito si Philippine 7 time exceutive champion Dr. Jenny Tarrosa Mayor at Arena Grandmaster Almario Marlon Quiroz Bernardino Jr., at ang kanilang father coach Engr. Ernie Fetisan Faeldonia.

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics