TIPONG parami ng parami ang mga produktong ini-endorso ngayon ni Kadenang Ginto star na si Dimples Romana sa true lang, ha!
Thru Star Magic PR head na si Madam Thess Gubi ay naimbitahan kami sa grand mediacon cum launching ng pinaka-latest niyang ini-endorso – ang Juan Life Personal Accident Insurance.
Why Dimples Romana as Juan Life Personal Accident Insurance brand ambassador?
“Dimples is a relatable brand endorser for Juan Life because she represents our target-market: family nurturers who are central in every Filipino family and will do anything to ensure their loved one’s security and success.” Ang katuwiran ni Madam Roselle C. Masirag, General Manager of Agile Insurance Agency and Business Technologies, Inc.
Tinanong ni yours truly si Dimples nang… “Bilang belong ka rin sa Kapamilya Network tulad nina Piolo Pascual, Madam Charo Santos, at iba pa na merong ini-endorso namang SunLife, ikaw Juan Life, okay lang sayo na nakikipag-compete ka ba sa kanila?
“Alam mo, Mama (yesss, Mama ang tawag niya sa akin, seymo Ligaya?) kagaya ng lagi kong iniisip..ang kumpetisyon mo dapat laging sarili mo lang para ang growth mo mas maganda. Hindi ibang tao. Hindi ko kasi ugali na ikinukumpara yung past ko sa iba…kasi nakakaubos ng energy yon…pagka yung bakit si ganitonsi ganun hindi ganu’n, eh.
“Ang gusto ko, ito kung para sa akin ngayon, para sa akin..kung para sa kanila to ngayon, para sa kanila.” Katuwiran ni Dimples with sense.
One more tanong Nak (eh, Mama nga kasi ang tawag niya saken, intiyendes Ligaya?), Okay lang ba sa iyo ang slogan na…JUAN LIFE MO, INGATAN MO…kasi hindi naman tayo mga pusa na may siyam na buhay, debah?
Na tipong sa likod ni Dimples ay napasigaw si Madam Thess Gubi nang …”Bakit walang mike, maganda yang tanong na yan!” na ikina-lingon sa kanya ni Dimples sabay sabing “Oo nga. Maganda yan.” And even added as saying…..
“Opo. Okay po sa akin yan, Mama (as in Momshie and not “mamang sorbetero, noh! So Ibaba ang kilay ng iba diyan pls lang, kyems and no kyems, hahaha!) Juan Life Mo, Ingatan Mo. Bagay sa ating lahat hindi sa mga pusa, hahaha!”
Yun na!
-MERCY LEJARDE