SUBIC, Zambales -- Ang galing ng Pinoy!

KASABAY ng pagsikat ng araw, malalakas na hiyawan at palakpakan ang umalingawngaw nang salubugin ng pagbununyi si John “Rambo” Chicano – itinanghal na unang Pinoy gold medalist sa 30th Southeast Asian Games – matapos pagbidahan ang men’s triathlon event nitong Linggo sa Subic Bay Boardwalk dito.

chicano

Naging doble ang kasiyahan nang ilang segundo lamang ay dumating sa finish line pa sa silver medal ang kasangga na si Andrew Kim Remolino.

Muling winalis ng Team Philippines ang men’s triathlon na nadomina rin ng Pinoy sa 2017 edition sa Kuala Lumpur. Ang ipinahingang si Nikko Huelgas ang nagkampeon nôn at si Chicano ang silver medalist.

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics

“Sobrang saya na parang di ako makapaniwala sa mindset ko na mapakalas namin talaga, yung Indonesia kasi nandon siya dikit sa amin all throughout,” pahayag ni Chicano.

Tumapos ang 28-anyos na si Chicano sa tyempong 1:53.26, habang nailista ni Remolino ang 1:55:03.

“Syempre sobrang saya kahit kakagaling lang ng juniors, pag-angat sa [elite category], nakapasok na sa SEA Games at nakakuha pa ng silver,” pahayag naming ng 19-anyos na si Remolino, humalili kay Huelgas matapos ang má magandang performance sa team’s qualifying event at selection.

“It’s a bonus na po na manalo tayo and nadefend po ‘yung gold and silver,” sambit ng Cebuano native na si Remolino.

-Annie Abad