SI Jessica Soho ang pinakapaboritong panoorin ng mga Pilipino, at suportado ito ng empirical data. Ang kanyang programang Kapuso Mo, Jessica Soho ngayon ay ang No. 1 television show sa buong Linggo batay sa TV audience measurement surveys.

jessica soho

S a NU T AM r a t i n g s ng Nielsen ngayong taon, hinablot ng Kapuso Mo, Jessica Soho ang top spot sa mostly viewed program sa Philippine television.

Bukod pa riyan, umaani ang KMJS ng parangal sa international award-giving bodies, gaya ng New York Festivals, US International Film at Video Festivals at Asian Academy Creative Awards. Breakthrough ang show dahil bukod sa malakas ang followings sa traditional screen, napakalakas sa social media. Linggu-linggo itong top trending topic sa Pilipinas sa Philippines at lagi ring nasa Worldwide trends. Karamihan sa mga programa sa telebisyon, iniwanan na ng publiko na mas naaaliw ngayon sa mga napapanood sa social media.

Tsika at Intriga

Gretchen kumain ng 'piattos' habang pinanonood si PBBM: 'The New Teleserye'

Nagugustuhan ng mga manonood ang human interest stories na nabibigyan ng natatanging flavor na tanging si Jessica lang ang nakakapagtimpla at nakakagawa.

Bagamat visual ang medium at nabibigyan ng team niya ng satisfying optics ang viewers, equally pleasurable ang kanyang sound bites. Mahusay din kasing writer si Jessica, kaya makinis ang pagkakasulat ng bawat pangungusap na kanyang binibigkas.

No wonder, bukambibig ng sambayanan ngayon ang “i-KMJS na ‘yan!” tuwing may kakatwang kuwento.

-DINDO M. BALARES