ANG nagpapatuloy na sigalot sa pagitan nina Pangulong Duterte at Bise Presidente Leni Robredo ay naging away na sa pagitan ng magkabilang partido. Sa nakalipas na dalawang linggo, itinuturo ng Palasyo ang oposisyon ni Robredo bilang rason ng kawalan ng tiwala ng Pangulo.
Bagamat may mga pagkakataong kasuklam-suklam ang politika sa Pilipinas, hindi magandang ikatwiran ang politikal na pagkakaiba para lamang pigilan ang isang bagay na maaari sanang pagsimulan ng kooperasyon kung ang dalawang pinakamataas na opisyal ng bansa ay pipiliing isantabi ang mga pagkakaiba ng kanilang partido.
Sa pananaw ni justice secretary Menardo Guevara, ang pagbawi sa pag-katalaga ni Robredo bilang co-chair ng ICAF ay isang pagkawala ng oportunidad, na maaari sanang magbigay sa administrasyong Duterte at oposisyon ng pagkakataon upang magtrabaho para sa iisang layunin sa pagtugon sa problema ng droga sa bansa.
Sa kabila nito, optimistiko ang kalihim na ang mga naging pagbabago kamakailan ay makatutulong sa drug enforcement agency upang magkaroon ng mas malinaw na direksyon kung bakit kinakailangan nilang magsama nang labas sa politikal na kulay at ituon na lamang ang enerhiya sa mga tunay na kalaban.
Bukod sa droga, nahaharap din ang bansa sa mga malaking problema tulad ng nagbabanta sa kabuhayan ng mga magsasaka, ang muling paglitaw ng sakit na polio, ang desgrasya na tumama sa industriya ng pagbababoy, at nauubos na mapagkukunan ng tubig, at katakot-takot na trapik, at ang nagpapatuloy na problema sa rebelyon.
Ang politikal na pagtutulungan ay dapat na makitang instrumento para sa pambansang pag-unlad. Kung may konsensiya at puso ang mga taong nagbibigay kahulugan sa mga partido na naglalarawan sa sentimiyento ng publiko, hindi na mahirap pang maunawaan ang pangangailangan ng mga tao para sa mga opisyal na magtutungo sa iisang daan.
Ang away sa pagitan ng dalawang nangungunang pinuno ng bansa ay malabo pang maayos. May ilang tiyak na sektor sa magkabilang panig ng politikal na naghahangad na sumabog ang buong problema, isang bagay na tiyak na magreresulta sa kalituhan at higit na pagkakaiba.
Mahirap magbigay ng suhestiyon kung ano ang pinakamainam sa ngayon. Ang tiyak, bagaman, ay ang gulo sa pagitang ito ng Palasyo at partido ni Robredo ay makaapekto sa target ng anti-drug war ng administrasyon. At kapag nangyari ito, muling mabubuhay ang sisihan na magdaragdag lamang sa tensiyon na matagal nang nalikha.
Sa huli, kung hindi malulutas ang mga isyu na nakaaapekto sa mga lider ng bansa, patuloy lamang na paniniwalaan na ang buong magulong dramang ito ay isa lamang laro ng mga partido. Sa nalalabing taon bago ang pambansang halalan, maaaring mabilis na magbago ang politikal na kaganapan.
Umaasa lamang ang marami na mareresolba ang gusot na ito para na rin sa kapanatagan ng magkabilang partido.
-Johnny Dayang