ILANG senador ang nagpahayag ng pangamba tungkol sa seguridad ng power transmission network ng Pilipinas.
“We need to know for certain if our energy systems and infrastructure fully remain in Filipino control and if we have implemented the technical safeguards needed to prevent foreign interference in or sabotage of our national electricity grid,” sinabi ni Sen. Risa Hontiveros sa paghain niya ng isang Senate resolution para sa legislative inquiry.
Lumalabas na ang kanilang concern ay dahil sa investment ng State Grid Corporation of China (SGCC) sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na nagpapatakbo at namamahala sa national power grid.
Gayunman, sinabi ni NGCP President and Chief Executive Officer Antonio L. Almeda, na walang dapat ikaalarma tungkol sa stake ng SGCC dahil mayroon lamang itong 40 porsiyentong share sa National Grid Corporation, na ang 60 porsiyento ay hawak ng mga Pilipinong kumpanya na Monte Oro Grid Resources Corp. at Calaca High Power Corp. “SGCC serves only as technical adviser of the consortium. The management and control of NCCP, including system operation, is exclusively exercised by Filipinos,” punto ni Almeda.
Ang NGCP ang mayroong exclusive right para pamahalaan at patakbuhin ang power transmission system hanggang sa 2033. Mayroon itong mahigit 5,000 manggagawang Pinoy sa buong bansa para tiyakin ang matatag, mura at tuloy-tuloy na daloy ng kuryente.
“The system that controls the grid is operated only by authorized Filipino experts of NGCP,” diin ni Almeda. Ang biometric access controls ay nagpapahintulot lamang sa awtorisadong NGCP personnel na pumasok sa data center. Ang work stations at servers ay secured ng firewalls at layers ng authentication systems para harangin ang unauthorized access, dagdag niya.
“We would be happy to welcome our senators and congressmen as well as an independent third party to visit our facilities in order to dispel any security concerns that have been raised these past few days,” sinabi ng NGCP executive. Kabilang sa mga mambabatas na nagawa na ito ay sina Sen. Sherwin Gatchalian noong Agosto 18, 2016, at sina Rep. Baby Arenas at Rep. Danilo Suarez sa Marso 21, 2017, aniya.
Kamakailan ay inanunsiyo ng NGCP na naglaaan ito ng P463 bilyon sa fresh capital para sa modernization at expansion ng power grid sa susunod na 10 taon, itatala ang kabuuang ipinuhunan nito sa P651 bilyon sa nakalipas na sampung taon. Nakapagpatayo ito ng 5,626 transmission structures at 2,472 circuit-kilometers ng transmission lines at nagkabit ng 10,978 megavolt-amperes ng substation capacity. Nasa proseso na ito ngayon ng pagkukumpleto sa pinakamalaking infrastructure sa kasaysayan ng bansa – ang Mindanao-Visayas interconnection project.
Sa kabuuan, ang operation at expansion, paniniyak ni Almeda. Pinanindigan ng NGCP na kailangan ang technical safeguards para maiwasan ang anumang pangingialam ng mga dayuhan sa kanyang operasyon