TULAD sa naipangako, magagamit sa 30th Southeast Asian Games ang pasilidad sa Rizal Memorial Sports Complex para sa pito sa kabuuangh 56 events sa biennial meet.

Ayon ay PSC chairman William “Butch” Ramirez na manantili ang pamanang kasaysayan ng mga nasabing venue na naging piping saksi sa mga kabiguan at tagumpay na napagdaanan ng mga pinagkakapuring mga atletang Filipino.

“This is a sporting heritage that will always remind us of the hardships, failures and victories of every Filipino athlete.” pahayag ni Ramirez na siya ring Team Philippines Chef de Mission.

Pito sa 56 sports ang lalaruin sa mga bagong gawang RMSC at Philsports para sa hosting ng bansa ng 30th Southeast Asian Games.

Ang nasabing pagsasaayos sa mga naturang venues ay ginawang posible sa tulong ng donasyon na may halagang P842-milyon buhat sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at hindi bahagi ng pondo ng SEA Games.

'I really love you kuya!' Tapatang Pacquiao brothers, ekis mangyari!

Nabinyagan na noong Lunes ng gabi ang Rizal Memorial Football stadium, kung saan sumabak ang men’s football team para sa kompetisyon sa SEA Games bago pa man ang opisyal na opening nito sa Nobyembre 30 sa Bocaue Bulacan.

Nauna rito ay nabuksan na din ang 6000-seater na Ninoy Aquino Stadium na ginamit naman para sa Team Philippines Send-Off ng Bayan noong Nobyembre 13 at gagamitin ding venue para sa weightlifting at taekwondo.

Ang Rizal Memorial Coliseum naman ay gagamitin para sa kompetisyon ng gymnastics event habang ang RMSC Tennis Court ay gagamitin naman para sa mga events na lawn tennis at soft tennis gayung ang indoor volleyball ay magaganap sa bagong gawang Multi- Purpose Arena sa PhilSports.

“These restored facilities are not only for SEA Games but for Team Philippines so they can have a morale boosting inspiration that will eventually result to a levelled-up performance. This is not for PSC, this is for Team Philippines and our future generations.” ayon pa kay Ramirez.

-Annie Abad