KUMPIYANSA ang pamunuan ng Sambo Federation of the Philippines na mawawalis ng Pinoy ang pitong gintong medalya na nakataya sa sambo event ng 30th Southeast Asian Games.

Hindi padadaig ang buong koponan ng National Sambo na magpamalas ng kanilang angking kakayanan sa international competition.

Sasabak sa unang pagkakataon sa biennial meet ang Sambo Team sa pangunguna nina Universal Reality Combat Challenge featherweight champion Mark Edward Striegl na makikipambuno sa men’s combat under 74kgs, ONE Championship straw weight contender at dating wushu artists Rene Catalan sa men’s combat under 57kgs.

Optimistiko si Pilipinas Sambo Federation Inc. secretary-general Paolo Tancontian na kaya nilang makapag-ambag ng 4-5 gold medals sa pagsambulat ng SEA Games sa Nob. 30-Dis. 11 sa iba’t ibang panig ng Luzon.

Ayon kay Tancontian, na dati ring miyembro ng National Judo Team, malaki ang pag-asa ng kanilang koponan na makapagbahagi ng mga medalya sa biennial meet dahil sa matinding paghahanda at pag-eensayo ng mga National team members. Katunayan nito ay ang palaging paglahok ng mga manlalaro nito sa mga pandaigdigang kumpetisyon na nagreresulta naman ng magandang kalabasan.

5-anyos na batang ginilitan at winakwak ang tiyan, pumanaw na!

“Malaki po ang laban natin sa SEA Games. I think kaya natin mag-overall,” pahayag kahapon ni Tancontian sa lingguhang TOPS sa National Press Club kasama si coach Ace Larida. “We’re very lucky that we’ve given a chance by the Philippine Sports Commission (PSC) and Philippine Olympic Committee (POC) na maaprobahan ang accreditation namin para sa SEA Games,” aniya.

Mayroong apat na combat event, dalawang sport at isang mixed 5-man team ang nakatakdang laruin sa Sambo event na magbubukas simula Disyembre 5-6 sa Angeles University Foundation Gymnasium sa Clark, Pampanga.