TARGET ng Philippine football team Malditas na masikwat ang semifinals slot, habang sisikapin ng men’s U-22 squad Azkals na manatiling buhay ang kampanya sa 30th Southeast Asian Games football competition ngayon sa Binan, Laguna.
Sakaling manalo laban sa Malaysia ganap na 8:00 ng gabi, makakapasok ang Malditas sa Final Four.
Sa Rizal Memorial Stadium, sisikapin ng Azkals na matularan ang panalo laban sa Malaysia sa 1991 duwel ganap na 8:00 ng gabi.
“Kailangan talaga ma-capitalize namin yung atake namin ,” pahayag ni coach Let Dimzon. “I think if we can do that against Malaysia, we’ll be able to get a good result.”
Matatandaang nakakuha ang Team Philippines ng puwesto sa Final Four noong 1991 matapos magwagi sa Malaysia, 1-0, mula sa ‘miracle goal’ ni Norman Fegidero.
Natalo ang U-22 squad sa Myanmar, 1-2, nitong Miyerkoles dahilan pata sa must-win sa kanilang laro sa Malaysian. Nagwagi namana ng Cambodia sa Timor-Leste, 5-0.
Mga Laro Ngayon
(Binan Stadium)
4:00 n.h. -- Vietnam vs Laos (Group B, men)
4 p.m. - Brunei vs. Thailand (Group B, men)
8 p.m. - Indonesia vs. Singapore (Group A, men)