MAY bagong alaga ang Gymnastics Association of the Philippines (GAP ) – si teenage-wonder Breanna Labadan.

GYMNAST PROTEGEE! Kabilang si Breanna Labadan (ikalawa mula sa kanan) sa batang gymnast na nasa pangangasiwa ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP) para maitulad kay World Champion Carlos Yulo, sa kanyang pagbisita sa TOPS ‘Usapang Sports’ sa NPC nitong Huwebes kasama sina (mula sa kaliwa) NU star Jack Animam at mga opisyal ng Sambo Philippines.

GYMNAST PROTEGEE! Kabilang si Breanna Labadan (ikalawa mula sa kanan) sa batang gymnast na nasa pangangasiwa ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP) para maitulad kay World Champion Carlos Yulo, sa kanyang pagbisita sa TOPS ‘Usapang Sports’ sa NPC nitong Huwebes kasama sina (mula sa kaliwa) NU star Jack Animam at mga opisyal ng Sambo Philippines.

Sa edad na 13, isa ang gymnast protégée na tubong Butuan City, na nakakitaan na ng malaking potensyal mula sa Palarong Pambansa hanggang sa international Rhythmic Gymnastics.

Nakopo niya ang tatlong gintong medalya na ang inuuwi nito sa kanyang pagtungtong sa European stints ng kunin nito ang junior Individual All-Around titles mula sa Hungary at Denmark.

Ibinulsa ng dating St. Scholastica’s College student ang ang titulo sa 2019 Magic Cup Rhythmic Gymnasts meet at RG Friends Masters Gymnastics meet 2019. Nakamit rin nito ang tansong medalya sa Rooyal Crown Gymnastics sa Greece noong Mayo.

'I really love you kuya!' Tapatang Pacquiao brothers, ekis mangyari!

Ang patuloy na pagningning ng teen-gymnasts’ sa pandaigdigang kumpetisyon ay binitbit nito hanggang sa multi-national event na Palarong Pambansa ng hakutin nito ang 5 gold medals noong 2018 Vigan Games ng ireprisinta nito ang National Capital Region (NCR) para kunin ang All-Around rope, ball apparatus, at club apparatus. Sa ngayon ay hindi na sasabak pa si Labadan sa Palaro dahil miyembro na ito ng National Training Pool ng Philippine Gymnastics team.

“Nahirapan din po ako dahil sa pagod sa training kaya minsan din po hindi na ako nakakapag-focus ng maayos. Kaya ibinabawi ko na lang po siya sa tulog para po may energy ako pagkagising ko,” wika ni Labadan sa weekly TOPS sa National Press Club sa Maynila.

Gaya ni 2020 Tokyo Olympics-bound Carlos Edriel “Caloy” Yulo, pangarap rin ng teen-sensation na makapaglaro sa Quadrennial Games balang-araw kung kaya’t matindi ang pinagdadaanang ensayo nito sa ilalim ng batikang coach na si Dora Vass ng Hungary

“Bata pa lamang siya nakitaan na namin siyang may future ito sa Gymnastics,” wika ng kanyang ina na sa edd na 7-years-old ay ipinasok na nila ito sa isang gymnastics club upang matuto ng maaga. “We are self-funding, most specially in getting a Foreign coach,” dagdag nito na nakatakda ulit lumipad patungong Estados Unidos at pabalik ng Hungary sa susunod na taon.