NAGSUMITE na rin ng kanyang aplikasyon para sa 2019 PBA Rookie Draft si Ateneo de Manila big man Isaac Go.

Tanda ito na handa na ang 6-foot-8 slotman na umakyat sa professional ranks makaraang magtapos ang kanyang collegiate career sa pamamagitan ng makasaysayang 3-peat sa UAAP.

“It feels great and I’m really excited. I’ve worked hard for the last few years to get to this point. It’s my next basketball journey after six years in Ateneo and I’m hopeful for what’s in store,” pahayag ni Go.

Sa kanyang pagkakadagdag sa listahan, isa si Go sa mga napipisil na magiging isa sa mga top draft picks na aniya’y dapat nyang paghandaang mabuti.

“There is pressure that comes with being a projected top pick, but nothing is set in stone,” anang 23-anyos na si Go. “Those are high expectations, but if coach Tab puts that pressure on you, it means you can achieve it.”

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics

“I’m just going to continue to work hard.”

Nagtala si Go ng average na 9.3 puntos, 5.1 rebounds, 1.1 assists, at 0.8 blocks sa nakaraang stint nya para sa Cignal-Ateneo noong nagkampeon sila sa nakaraang 2019 PBA D-League Foundation Cup kung saan sya nagwaging Conference MVP.

-Marivic Awitan