Bukod-tangi sa bansa award-giving body na Ang Film Academy of the Philippines (FAP) Luna Awards na ngayon ay nasa ika-37 taon na. Standout ito sa industriya dahil ito ay by the peers at for the peers.

“It’s really actresses voting for Best Actress, editors voting for the nominees for Best Editing, cinematographers voting for Best Cinematography. It is the counterpart of the Oscars in the U.S.,” paliwanag ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson and CEOLiza Diño,

Kakaiba ang voting process ng 2019 FAP Luna Awards dahil nagsilbing Voters ang mga dating nominado at panalo ng FAP Luna Awards at iba pang tanyag na award-giving bodies. Ang Electoral College nito ay binubuo ng aktibong film workers sa industriya—kabilang na rito ang Citers, Nominators, at Voters. Hinikayat ng FDCP at FAP ang film workers na makibahagi para bumoto at kilalanin ang mga kagalang-galang na nominado ngayong taon. Dahil sa peer voting process na ito, isang karangalan ang makatanggap ng nominasyon sa FAP Luna Awards.

Dahil dito, ginanap ang FAP Luna Awards Nominees’ Night para ipagdiwang ang mahuhusay na gawa ng mga nominado ngayong taon.

Jodi Sta. Maria, aminadong mahirap ang blended family

Dumalo ang nominees, guests, at members of the press sa Delgado.112 restaurant sa Tomas Morato area sa Quezon City para sa pagtitipon noong Nobyembre 20. Malugod namang sinalubong nina Diño at FAP Director-General Vivian Velez ang FAP Luna Awards Nominees, gaya nina Chito Roño (Signal Rock), Kip Oebanda (Liway), at Dwein Baltazar (Gusto Kita with All My Hypothalamus) para sa Best Director; Nicco Manalo (Gusto Kita with All My Hypothalamus) para sa Best Actor at Glaiza de Castro (Liway) para sa Best Actress; Soliman Cruz (Liway), Epy Quizon (Goyo: Ang Batang Heneral), at Mon Confiado (Signal Rock) para sa Best Supporting Actor; at Nova Villa (Miss Granny) at Max Collins (Citizen Jake) para sa Best Supporting Actress.

Ang iba pang mga nominadong dumalo sa Nominees’ Night ay sina Emerzon Texon (Meet Me in St. Gallen at Ang Babaeng Allergic sa WiFi) para sa Best Musical Score; Chuck Gutierrez (Liway) at Edlyn Tallada-Abuel (Ang Dalawang Mrs. Reyes, kasama si Maynard Pattaui) para sa Best Editing; Axel Fernandez (Gusto Kita with All My Hypothalamus) para sa Best Sound; Aped Santos (Liway) at Michael Español (Buy Bust, kasama si Roma Regala) para sa Best Production Design; at Rodolfo Vera, na ni-represent ng aktres na si Elora Españo, (Signal Rock at Goyo: Ang Batang Heneral, kasama si Jerrold Tarog) para sa Best Screenplay. Pumunta rin si TBAStudios President Vincent “Ting” Nebrida sa event dahil nominado ang Goyo: Ang Batang Heneral ng TBAat Globe Studios para sa Best Picture. Nominado naman ang CSR Productions ni Roño para sa Best Picture para sa Signal Rock.

Noong FAP Luna Awards Nominees’ Night, namangha si Diño na well-attended ang event. “Gusto ko pong magpasalamat sa inyong lahat kasi nagdatingan po kayong lahat dito. Salamat po. Grabe!”

Bilang isang professional chef, si Diño mismo ang nagluto ng pork adobo at Cajun shrimp para sa lahat ng attendees ng Nominees’ Night. Sabi naman ni Velez, “We want to thank the nominees that are here. And sana sa November 30, sana naman ‘yung mga nominees will support us kasi ‘yun po ang gusto namin na masuportahan po sana ‘yung activities ng FDCP at FAP.”

Ang ika-37 FAP Luna Awards Night ay gaganapin sa Nobyembre 30, Sabado, sa Maybank Performing Arts Theater sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig City.

Naging emosyonal ang FDCP Chair nang inalala niya ang low turnout ng nominees sa iba’t ibang awarding events noong mga nakaraang taon. “We’re celebrating our One Hundred Years of Philippine Cinema. At hindi po natitinag ang lahat ng award-giving bodies natin para bigyan ng suporta at recognition ang lahat, from the people behind the camera to the people in front of the camera. Let’s support these events because we mount these events not for ourselves. We mount these events for you. And Ihope that on November 30, all our 60 nominees can make it to the 37th FAP Luna Awards,” sabi ni Diño.

Ipinakilala ang mga nominado sa members of the press. Nag-react ang beteranong aktres na si Villa, “Eto na naman ako, pang-ilang nomination na ng Miss Granny. Bakit ang tagal, bakit ang dami? Talaga sigurong napakaganda nung pelikula na ‘yun. At salamat. Thank you, Lord. And probably, itong mga nominations na ito, Icould have done probably really good. Ihope marami pang awards.” Hindi lang nominado si Villa ngayong taon. Kabilang din siya sa Special Awardees na tatanggap ng Manuel de Leon Award para sa Exemplary Achievement sa Nobyembre 30. Nang itanong ni Diño ang reaction niya para sa kanyang Special Award, ani Villa: “May edad na. Isipin ninyo naabutan ko pa si Pugo at Togo, and Patsy at Chichay?” Kinuwento niyang kasama siya sa unang pelikula ng LEAProductions na Manananggal vs. Mangkukulam kung saan sina Patsy at Pugo ang mga magulang niya. “So, ano, ilang taon na ako ngayon? Pero labanan ko pa kayo sa takbuhan,” biro niya.

Samantala, inihayag ng Best Director Nominees ang kanilang mga sentimento. Sabi ni Roño ng nine-time Luna nominee sa Signal Rock, “Maraming salamat sa recognition ng FAP at FDCP. I’m glad to be here,” habang sabi naman ni Baltazar ng Gusto Kita With All My Hypothalamus “Sobrang excited po ako every time napapasali kami sa ganito.” Ibinahagi naman ni Kip Oebanda, na hinirang din para sa Best Screenplay kasama si Zig Dulay para sa Liway, kung gaano siya ka-flattered at honoured na kasama siya sa mga nominado. “It’s the hundredth year of Philippine Cinema, and we’re just very proud to be part of this industry. We’re proud to be filmmakers, directors, and writers. We dedicate this to all the people who have worked behind the scenes. At napakahirap gumawa ng pelikula. It’s a miracle that any film gets completed. So to be recognized for that is such a blessing,” dagdag ni Oebanda.

Tuwang-tuwa namang hayag ni Best Actor Nominee Manalo, “Magkita-kita po tayo sa Luna Awards.” Samantala, nagpasalamat sa FDCP at FAP para sa recognition si Best Actress Nominee Glaiza de Castro, na dumalo kasama ng boyfriend niyang si David Rainey. Ibinahagi rin niya kung gaano siya kasaya na humakot ng nine nominations ang Liway. “Masaya akong makita ulit ‘yung mga nakatrabaho ko sa Liway. Masaya akong ma-nominate kasama ang mahuhusay na aktor, kasama ang kaibigan kong si Angelica Panganiban.” Banggit naman ni Best Supporting Actress Nominee Max Collins, “On behalf of Direk Mike de Leon and Citizen Jake, I’m just very proud to be here, and I’m honored.” Dumalo si Collins sa event kasama ng asawa niyang aktor na si Pancho Magno.

Ang FDCP at FAP ay co-organizers ng ika-37 na FAP Luna Awards. Strictly invitational ang Awards Night na gaganapin sa Nobyembre 30 at ipapalabas via livestream sa Facebook page ng FDCP na may username na Film Development Council of the Philippines.

-Ador Saluta