CLARK, Pampanga –Nangako si Binibini Emma Mary F. Tiglao sa Filipino pageant fans na ibibigay ang “good fight” sa pagsabak niya sa Miss Intercontinental beauty pageant sa Egypt sa Disyembre 20.

“Ten years in the making. Mas mahirap mag-antay ng 10 years kaya ibibigay ko po ang aking lahat sa Miss Intercontinental. Walang minor pageants. Lahat iyan may purpose. I’m gonna give you a good fight. I am gonna stand there tall and proud and shout Philippines!” ani Tiglao sa send-away party sa Midori Clark Hotel and Casino dito kamakailan.
Siinabi ni Tiglao na inabot ng 10 taon para sa wakas ay mai-represent niya ang Pilipinas sa international pageant stage.
“No matter where you are, remember your core. Hindi ko talaga siya binitiwan kahit nasaan ako. Stressful pa rin talaga when you compete international. You are not just bringing 107 million Filipinos on your shoulders,” sabi ng Pampanguena beauty queen.
Si Tiglao, 24, ay inaasahang aasli sa bansa patungong Egypt sa susunod na taon. Tulad ni Gazini Ganados, ang Philippine representative sa Miss Universe pageant, inaasinta rin ni Tiglao ang back-to-back victory para sa Pilipinas.
Si Karen Gallman mula sa Pilipinas ang Miss Intercontinental 2018, ang unang panalo ng bansa sa loob ng 47 taon.
Nagpabaon ng suwerte kay Tiglao ang kanyang Midori family, loved ones and friends. Inimbitahan din ng beauty queen ang mga bata ng Anak Bale-Balayan, ilan sa kanila ay nagmula sa mahihirap na pamilya sa Pampanga, na napakalapit sa kanya at kanyang tinutulungan.
Sa pamamagitan ng Anak Bale-Balayan, ang mga bata ay binibigyan ng pagkakataon na matutong tumugtog ng mga katutubong musical instruments ng libre, aniya.
Noong 2018, si Tiglao ay nanalong runner-up sa inaugural Miss Midori beauty pageant.
“During the entire run of that pageant, we have grown to love and respect Emma because of three important things: First, she stayed true to her word to us that she will help spread kind words about Midori and its CSR advocacies. Second, she never displayed any attitude, attending all activities and following all that were required of them without any complaints or excuses. Third, and most important of all, she showed us her authenticity by simply being who she is, a kind and respectful lady who never said anything bad about her co candidates and the organizers, a queen who never demanded to be treated like a queen,” ani Midori Marketing Manager Louise Maneja sa kanyang elcome remarks.
Si Tiglao ay 19-anyos lamang ng una siyang sumali sa Bb. Pilipinas 2014 beauty pageant na pinanalunan ni Mary Jean Lastimosa. Nagtapos siya sa top 15. Matapos ang una niyang pagsubok, sumali ang beauty queen sa iba pang pageants, nagtrabaho sa abroad bilang modelo at tumanggap ng hosting jobs.
Nang magtrabaho si Tiglao sa Cambodia, siya ay naging judge ng inaugural Miss Universe Cambodia 2016 beauty contest at kinoronahan pa ang winner. Mahilig din siya sa fashion design.
Nang hingan ng komento sa mga kritiko na nagsasabing pinapababa ng pageants ang kababaihan, sinabi ni Tiglao na: “Hate cannot be answered with another hate. Siguro wag na natin patulan pa ang mga comments about it. Let’s show that pageants are here to help the world through advocacies.”
-Robert R. Requintina