“Walapang binabanggit sa akin kung anong petsa talaga ang kasal, marami pa silang inaayos sina Angel (Locsin) at Neil (Arce). Ang pinauuna sa aking ayusin ‘yung bachelorette, alam mo naman si ‘Gel. Ang daming kaibigan,” ito ang sabi sa amin ni Dimples Romana sa launching ng Juanlife Personal Accident Insurance nitong Miyerkules sa Edsa Shangrila Hotel.

Sa tuwing makakausap ng media si Dimples ay parati siyang kinukulit kung ano ang update sa nalalapit na kasal ng bestfriend niyang si Angel kay Neil sa 2020 dahil siya ang itinalagang spokesperson.
Nabanggit na hindi pa kumpleto ang lahat kaya wala pang masyadong maibigay na detalye rin si Dimples bukod sa wala rin siyang go signal pa para magsalita.
Tulad nga ng matagal na naming isinulat dito sa Balita ay Nobyembre 2020 ang binanggit sa amin ni Angel na buwan ng kasal at wala pang petsa.
Samantala, muli na namang nadagdagan ang produktong ini-endorso ni Dimples, ang Juanlife personal accident insurance na talagang gustung-gusto niya dahil kailangan ito ng lahat ng tao, mula bata hanggang matanda.
Natanong muna si Ms Roselle C. Masirag, General Manager ng Agile Insurance Agency at Business Technologies Inc kung bakit si Dimples ang kinuha nilang mag-represent ng Juanlife accident insurance.
“Kasi si Dimples has become popular with Daniela (karakter sa Kadenang Ginto), it’s a kontrabida role, pero protective siya bilang nanay, so I guess it’s very relatable dahil lahat ng nanay ay gagawin para protektahan ang pamilya, asawa, anak.
“But more than that, mas intelligent na kasi ang audience now, they know that there’s Dimples the mother and there’s Dimples as artista and she’s very popular in her Instagram and it’s evident how dedicated she is as a mom and as a wife.
“Yung Juanlife kasi speaks not just to moms but to nurture in the family, so this can be daughter, sisters, apo or even men who are the central nurtures of the family and the concerns of all this nurtures is really to protect and provide for their family.
“So, we feel that Dimples as a brand not just a Daniela but as the mother, daughter, the hardworking wife represents the market that we want to talk to. And she’s also very positive when she talks,”paliwanag ni Ms Roselle.
Ang Juanlife accident insurance ay abot-kayang halaga ng masa dahil sa P300 ay naka-insured na ng P150,000 at P500 para naman sa P250,000 sa loob ng isang taon. At ang target dito ay ang mga araw-araw na bumibiyahe lalo na ang mga naka-motor na sa hindi inaasahan ay maaksidente.
Ang pagkakaiba nito sa ibang insurance ay mahal at hindi abot nina Juan at Juana na kumikita ng minimum wage sa isang araw.
Ayon naman kay Dimples, “itong Juanlife ay inilalapit sa mga tao na never na inalok ng ibang insurance agencies o takot ang ibang kumuha kasi mahal. This is securing themselves para may maiwan sa kanilang mga pamilya.
“Maganda rin itong pang regalo ito lalo na ngayong malapit na ang Pasko, its for peace of mind and transformation.
“Sa totoo lang, ano ba ang mabibili mo ngayon sa P300, dalawang milk tea? Imagine sa dalawang milk tea puwede ka ng ma-secure sa beneficiaries mo, o may medical reimbursements kapag na-aksidente ka at permanent disable, so may P150,000 worth.
“At puwede rin itong pang regalo, pang monito-monita o ipang regalo sa mga kasama sa bahay, ako bialng artista, puwede koi tong iregalo sa mga production crew na hindi naman kalakihan ang kinikita. What a thoughtful gift.
“Kung may small business ka at may mga tauhan ka, puwede mo rin itong i-regalo sa kanila at hindi lang para sa tao kundi tatlong tao dahil there are 2 beneficiaries each card worth.”
Oo nga, magandang ideya itong naisip ng Agile Insurance Agency at Business Technologies Inc na partner ng Stronghold non-life insurance company.
-REGGEE BONOAN