HINDI magpapahuli ang national bowlers sa kanilang pagsabak ngayon sa 30th Southeast Asian Games.

Ipinahayag ni Philippine Bowling Federation (PBF) secretary general Bong Coo ang nagsabi na target ng kanyang koponan na makasikwat ng dalawang gintong medalya sa bowling tournament para sa nasabing biennial meet na magaganap sa Disyembre 3 hanggang 8 na gaganapin sa e Coronado Lanes inside Starmall sa Mandaluyong City.

Sasandal ang PBF sa lakas ng mga beteranong sina Liza del Rosario at si Frederick Ong kasama ang bagong sumisibol na bowling star na si Merwin Tan.

Si Del Rosario ay bihasa na sa pagsabak sa mga international competitions sa loob ng dalawang dekada, habang si Ong naman ay ang huling bowler na nakakuha ng gintong medalya buhat sa SEA Games matapos na pagharian ang men’s singles event noong nakaraang 26th SEA Games na ginanap sa Indonesia noong 2011.

Ang 19-anyos na si Tan ay kapapanalo lamang bilang Asian youth champion at kabilang sa koponan na nagbigay ng karangalan para sa bansa.

'I really love you kuya!' Tapatang Pacquiao brothers, ekis mangyari!

Bukod sa tatlong bowlers na nabanggit, makakatulong din sina Patrick Nuqui, Kenneth Chua, Lara Posadas- Wong, Alexis Sy at Bea Hernandez para sa matagumpay na kampanya ng koponan sa naturang biennial meet.

“We’re not promising anything, but we will surely give other teams a very good fight,” ayon kay Coo na unang nagbigay ng karangalan sa Pilipinas sa paghakot ng anim na gintongmedalya noong unang pagkakataon na nag-host ang Pilipinas ng SEA Games noong 1981.

Buo rin ang suportang ibinigay ng Philippine Sports Commission (PSC) spaghahanda ng koponan para sa biennial meet, gayundin ang suporta ng PBF sa pangunguna ng chairman na si Sen. Tito Sotto at ang president na si Steve Robles.

“What we have is a solid and fighting team that is capable of winning at least two gold medals. Bowling is an immeasurable sport. A lot of factors would be in play once the tournament started,” pahayag ni Coo.

“Playing at home could even be a disadvantage as players tend to get conscious and nervous. But our team is ready. They have trained hard and long enough to brush off distractions and focus on winning the gold,” dagdag pa niya.

-Annie Abad