HINDI pa man opisyal na nagsisimula ang mga laro, ay nag-umpisa nang mamayagpag ang mga atletang Pinoy sa pagpapatuloy ng mga laro para sa 30th Southeast Asian Games (SEAG).

Nagpakitang gilas ang national water polo men’s team matapos na maipuwersa ang isang 6-6 draw kontra karibal na Indonesia kamakalawa sa New Clark City Aquatics Center sa Capas, Tarlac.

Bahagyang naghabol ang national team sa 4-5 at 5-6, iskor sa huling yugto ng labanan ngunit nagawang makabawi sa pamamagitan ng magkahiwalay na iskor nina Vincent Sicat at Paolo Serrano na siyang nagmarka ng draw.

“This was a big result considering it was Indonesia, the 2017 silver medal winner,” pahayag ng head coach ng koponan na si Rey Galang.

Patuloy na aarangkada ang koponan ng Pilipinas sa pagharap nito kontra sa Malaysia na siyang nakakuha ng bronze medal noong 2017 SEA Games, ngayong araw na ito.

'I really love you kuya!' Tapatang Pacquiao brothers, ekis mangyari!

Kasunod nito ay haharap naman ang national team sa defencing champion na Singapore sa kanilang laro bukas., kung saan ang sinumang mangunguna sa nasabing single round ang siyang makakasungkit ng gintong medalya.

-Annie Abad