MAYROON nang pagkakataon ang mga Filipino gamers na maging kinatawan ng bansa para sa Southeast Asia sa pamamagitan ng international DOTA2 competition.

Nakipagsanib puwersa ang kompanyang LGD sa Esportsplay Gaming upang ihatid ang kompetisyon na DOTA2 na mas kilala bilang The International o T.I.
Target ng LGD na maghanap at magsanay ng coach at core players buhat sa Pilipinas at sa kabuuang rehiyon ng Southeast Asia upang lumaban sa nasabing kompetisyon.
Pormal na nilagdaan nina Esportsplay Gaming’s Chairman at CEO na si Ivan Angelo Cuevas at ang COO na si John Tse, kasama si MGD General Manager na si Pan Fei at LGD CEO Pan “Ruru” Jie ang pagsasanib puwersa sa kanilang pagharap sa isang press conference kamakalawa.
Dumalo din sa nasabing event ang mga iklalang star players ng DOTA2 na sina Ah Jit, Chuan at mismong si Ruru na nagpakitang gilas sa pamamgitan ng isang friendly match.
Kaugnay nito ay target din ng Esportsplay Gaming na magtayo ng international training headquarters sa lugar ng Pampanga maging ang isang gaming arena sa Cebu City, bilang pasimulang plano upang maipalaganap nang husto ang eSport sa buong bansa.
-Annie Abad