MALI ang accusations ng mga bashers na kaya raw hindi kakantahin nang live ni international stage actress-singer na si Ms. Lea Salonga ang theme song ng 30th South East Asian Games 2019 na We Win As One ay dahil sa mga kapalpakang nangyayari sa pagdaraos ng SEA Games dito sa bansa.

Lea

“Kinuha si Lea para lamang kantahin ang theme song at hindi para kantahin niya ito nang live sa opening ceremonies sa Sabado ng gabi, November 30, sa Philippine Arena,” sabi ng isa sa taga-production. “Alam naming may naka-schedule na shows si Lea sa Singapore at nagpasalamat nga kami na pumayag siyang kantahin muna ang theme song na madalas na ninyong marinig sa iba’t ibang programa, bago siya umalis.”

Kaya nga si Lea, nag-tweet na lamang ng sagot niya sa mga namba-bash sa kanya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Leaving on a jet plane for Singapore and will begin our 14-show Sweeny run on Thursday night, November 28. I will not be performing at the SEA Games opening ceremonies on Saturday. I won’t be back home till after Sweeney is done.”

Ang theme song na “We Win As One” ay sinulat ni Maestro Ryan Cayabyab. Sa opening ceremonies, abangan ninyo kung paano ipi-perform ang song ng all Filipino artists and performers.

Mapapanood ang SEA Games 2019 opening ceremonies on Saturday, November 30, at exactly 7:00 pm sa ABS-CBN.

-NORA V. CALDERON