HINDI lamang ang gintong medalya sa 30th Southeast Asian Games beach volleyball competition ang target ng Pinay belles, bagkus ang masikwat ang slot sa AVC Continental Cup Finals sa susunod na taon.
Sadsad sa pagsasanay ang Team Philippines, itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC) at Rebisco, para maihanda ang sarili sa kompetisyon sa magsisimula sa Biyernes sa Subic Tennis Court.
“The Philippine beach volleyball teams have been staying in Subic since last Friday, training and preparing hard for the games,” pahayag ni team manager Charo Soriano, isa rin sa nagbuo ng Beach Volleyball Republic.
“We are fortunate to be able to be at the venue early and we are scheduling training both in the morning and in the evening so the athletes can get used to the sand and lighting conditions,” aniya.
Sandigan ng bansa ang champion pair nina Sisi Rondina at Bernadeth Pons, gayundin ang pakner nina Dzi Gervacio at Dij Rodriguez sa women’s class, habang hahataw sa men’s division sina Edmar Bonono at Jude Garcia, gayundin sina Jaron Requinton at James Buytrago.
Nakapaghanda ng todo ang Nationals sa pagsalang sa katatapos na 2019 Rebisco Beach Volleyball International Open sa Sands SM By The Bay kung saan naitala ng Team Philippines ang 1-2 finish.
“Everybody is excited. The coaching staff, management staff and the players. We have been waiting this opportunity to bring pride to our nation. And we will make sure to give our all,” pahayag ni Soriano.
Huling nanalo ng medalya sa sports ang Philippines noong 2005 nang makuha ng Fil-Am pair nina Heidi Ilustre at Diane Pascua ang bronze medal. Nagbabalik ang sports matapos ang nakalipas na apat na edisyon.
Mas tumaas ang kalidad sa SEAG matapos itong ideklara ng AVC bilang Southeast Asian Zonal qualifier para sa AVC Continental Cup