HINDI apektado ng mga negatibong isyu patungkol sa hosting ng 30th Southeast Asian Games (SEAG) ang mga Pinoy tracksters gayung mas pinagtutuunan nila ng pansin ang makasikwat ng gintong medalya para sa kampanya ng bansa sa nasabing biennial meet.
Opisyal na magsisimula ang pagsabak ng mga paboritong athletics players sa Disyembre 6, matapos ang opening ceremonies ng nasabing 11-nation meet sa Nobyembre 30 sa Philippine Arena sa Bocaue Bulkacan.
Sinabi ni Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) President Philip Ella Juico sa kanyang pagharap sa send-off party ng mga atleta sa Marriott Hotel sa Clark Pampanga, na malaki ang kanyang tiwala sa kanyang mga alipores na siyang unang makakagamit ng pinagmamalaking bagong world class na Athletics Stadium sa New Clark City sa Capas, Tarlac.
Isang matamis na musika sa pandinig ang pagtugtog Lupang Hinirang sa bawat event ng athletics, na siya umanong magbubura sa mga negatibong isyu na kasalukuyang ibinabato sa pamamhala ng hosting.
“There are many negative things and it is our wish to recover from the negative events. it’s our duty now to lift our country from what has happened. Mas masarap ap rin marinig ‘yung National anthem natin na ipinapatugtog after every event, ” pahayag ni Juico.
Target ng athletics team ang anim na gintong medalya at posibleng madagdagan pa ito kapag nag-init nang husto ang mga p[ambato ng bansa sa nasabing sports.
Ibabandera ng koponan ng athletics sina Ernest John Obiena at Natalie Uy sa pole vault, habang sa 800m naman ay lalarga si Carter Lilly, sa hurdles Eric Cray, ang sprinter na si Kristina Knott at ang shot putter William Morrison.
Kabilang din sa line-up sina ang reigning Southeast Asian Games marathon champion na si Mary Joy Tabal at si Christine Hallasgo sa women’s event, kasama sina Jerald Sabala at Anthony Nerza para sa men’s event.
“I prepared for five months and my training went well. We’re into our final conditioning and preparations,” ayon naman kay Tabal.
“I checked the route and it’s challenging because it’s not a flat course, it’s a combination of uphills and downhills,” aniya.
-Annie Abad