TANONG agad ng netizens na nakakitang may Christmas tree sa bahay nina Kathryn Bernardo ay kung hindi na siya member ng INC. Tama ba kaming hindi nagpu-put up ng Christmas tree ang INC?

Kathryn

May sumagot na matagal nang tumiwalag si Kathryn sa INC, kaya may Christmas tree na sila sa kanilang bahay. Pinost nito ang white/blue Christmas Tree at may caption na, “Finally, feeling the Christmas spirit inside our home! These polar bears are simply the cutest things to wake up to every morning! Thank you @gideonhermosa for making time despite your busy schedule. Everyone’s feeling merrier now!”

Marami ang nagandahan sa Christmas tree nina Kathryn at kinogratulate nila ito, kaya lang, mga kaibigan at kakilala lang ni Kathryn ang puwedeng mag-comment dahil naka-set sa “comments on this post have been limited. “

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Iniwasan na lang siguro ni Kathryn na may mag-away-away, kaya limitado ang puwedeng mag-comment. Nganga tuloy ang bashers.