INVITED kaya si Marcus Patterson sa premiere night ng horror movie na The Heiress bukas ng gabi sa SM Megamall Cinema 7 bilang suporta na rin sa cast at sa special girl ng buhay niya na si Janella Salvador.

THE HEIRESS

Si McCoy de Leon ang leading man ni Janella sa The Heiress at kaya sila ang magkasamang rarampa sa red carpet premiere kasama sina Ms Maricel Soriano, Sunshine Cruz kasama ang direktor na si Frasco Mortiz.

Anyway, sa nakaraang presscon ng The Heiress ay natanong si Janella kung okay na sila ng ex-boyfriend niyang si Elmo Magalona at napailing ang dalaga na ibig sabihin ay hindi pa o hindi na mangyayari pa.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Pero hindi naman itinanggi ni Janella na nagkikita sila sa ABS-CBN dahil nga pareho silang Kapamilya contract star at ang reaksyon niya, “Dedma lang.”

Sa madaling salita kapag nakikita ng dalaga ang dating karelasyon ay tagusan ang tingin niya as in hindi nag-e-exist.

“Wala, kasi you have to realize it’s a small industry, so magkikita at magkikita talaga kayo if ever. So it has happened many times actually to me. Kapag nangyari yun, wala, just deadma lang.”

Nabanggit ni Janella na habang nagso-shooting sila ng The Heiress ay may payo sa kanya si Maricel, “Sabi niya, ‘be careful’ kasi, nakabasa rin siya ng mga pinagdaanan ko. So sabi lang niya, ‘Be wise pagdating sa love.’ Sabi niya, darating din daw one day yung perfect guy.”

Naging close sina Marya at Janella sa set dahil itinuring ng Diamond Star na anak ang dalaga na noong una ay takot sa kanya dahil unang beses silang magka-trabaho.

At dahil nali-link si Janella kay Marcus, siya na ba ang sinasabing perfect guy ni Maricel para sa dalaga.

Napangiti ang aktres, “Wala pa naman akong sinabing he won my heart.”

Dagdag pa, “Basta all I can share right now is natuto ako from my last. Mas smart, mas careful na ako ngayon. Ganun pa rin, I’m the same, but just stronger.”

Pero inamin ni Janella na may basbas ng magulang niya si Marcus na lagi niyang nakakasama ngayon at okay ang binata sa kanila.

Anyway, mapapanood na ang The Heiress sa Nobyembre 2, Miyerkules mula sa Regal Films.

-Reggee Bonoan