NAGDAGDAG ng medalya ang mga batang swimmers ng Behrouz Elite Swimming Team- Philippines (BEST-Philippines) sa napagwagihang apat na ginto, isang silver at tatlong bronze sa ikalawang araw ng 2019 HRH Princess Maha Chakri Sirindhorn’s Cup - 21st Royal Bangkok Invitational Swim Meet sa Royal Bangkok Sports Club sa Thailand.

KILLERWHALE! Kabilang sa ‘most outstanding swimmer’ si Swimming Pinas tanker Julia Salazar Basa ng Paranaque Killerwhales sa ginanap na Division Meet ng Paranaque City kamakailan sa Baclaran Elementary School Central. Humakot ng pitong gintong medalya ang protégée ni coach Virgi De Luna (200 back, 200 free, 400 free, 800 free, 2 relays). Kabilang ang 13-anyos international age-group campaigner sa BEST Philippines team na sumabak sa torneo sa Bangkok, Thailand nitong weekend.

KILLERWHALE! Kabilang sa ‘most outstanding swimmer’ si Swimming Pinas tanker Julia Salazar Basa ng Paranaque Killerwhales sa ginanap na Division Meet ng Paranaque City kamakailan sa Baclaran Elementary School Central. Humakot ng pitong gintong medalya ang protégée ni coach Virgi De Luna (200 back, 200 free, 400 free, 800 free, 2 relays). Kabilang ang 13-anyos international age-group campaigner sa BEST Philippines team na sumabak sa torneo sa Bangkok, Thailand nitong weekend.

Humirit sina Christ Jade Andal at Ashby Jayce Canlas sa pangunguna sa kani-kanilang dibisyon.

Kumabig si Andal sa boys’ 15- over 100m breaststroke tangan ang impresibong isang minuto at 12.36 segundo, habang kumana si Lance Argel Lotino sa 1-2 punch ng BEST Philippines sa tyempong 1:14.58 matapos maungusan si Chinese rival Chen Jie Min (1:15.18).

Hindi nagpahuli si Canlas sa dominasyon sa boys’ 11-12 100m breaststroke sa kanyang 1:21.36 gahiblang panalo laban kay silver medalist Parker Pai Kai Shu ng Hong Kong (1:21.66) at bronze winner Yi Xuan ng China (1:22.44).

Legal team ni VP Sara, sisipot sa nakaambang 'Senate impeachment trial!'

Pinamunuan din nina Andal at Canlas ang BEST-Philippines na makasiguro ng dalawang gintong medalya sa relay events.

Nakipagsanib-puwersa si Andal kina Lotino, Max Anthony Rosario at Ivan Rado¬van sa pagkopo ng ginto sa boys’ 15-over 200m medley relay, habang nakasama ni Canlas sina Peter Cyrus Dean, Zajeed Sarmiento at Julian De Kam sa pagsungkit ng ginto sa boys’ 11-12 200m medley relay.

Matapos angkinin ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa opening day, nagkasya si Dean sa dalawang pilak sa boys’ 11-12 100m butterfly at 50m backstroke.

Pinagharian ni Dean ang 100m freestyle event sa opening day.

Nakasikwat din ng pilak saboys’ 13-14 200m medley relay sina Alexander Marasigan, Jah Leel Rosario, Jah Zeel Rosario at John Harold Borneo at nag-ambag ng tanso sina Zajeed Sarmiento (100m butterfly) at Shaina Andal (50m breaststroke).

Galing ang dalawa pang tanso sa boys’ 9-10 200m medley relay nina Mohammad Behrouz Mojdeh, Richard Taggs, Veejay Virtucio at Gian Baello at sa boys’ 13-14 200m medley relay nina Janine Virrey, Danae Sarmiento, Shaina Andal at Iris Salagubang.

Sa kabuuan ay may limang ginto, siyam na pilak at limang tanso ang BEST-Phi¬lippines sa torneong nilahukan ng mahigit 800 tankers mula sa 30 foreign teams.

“We have already reached our medal target which is to win at least five gold medals. But we’re not yet done, we are hoping to win more in the final day of the competition,” pahayag ni head coach Virgie De Luna.