KABUUANG 96-winning streak. Anim na sunod na UAAP championship.

Sa women’s collegiate basketball, wala nang makapapantay – sa kasalukuyan – sa National University Lady Bulldogs.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

MVP: Tamang siesta na si Monique Del Carmen matapos makumpleto ng National University ang UAAP championship at tanghalin siyang Finals MVP.

MVP: Tamang siesta na si Monique Del Carmen matapos makumpleto ng National University ang UAAP championship at tanghalin siyang Finals MVP.

Senelyuhan ng Lady Bulldogs ang isa pang imakuladang season matapos gapiin ang University of Santos Tomas Tigresses, 66-54, sa Game Two para makumpleto ang sweep sa UAAP at angkinin ang ‘six-peat’ nitong Sabado sa MOA Arena.

Hataw si Monique del Carmen sa naiskor na 15 puntos, apat na assists, dalawang rebounds, at dalawang steals para pangunahan ang NU sa dominanteng panalo sa best-of-three series.

"Sobrang happy with everything," pahayag ni coach Pat Aquino.

"Hindi ko ine-expect na we will have six tiles in six years with no losses. We are so happy for the schools and the players."

Tinanghal na Finals MVP si Del Carmen.

Kumana naman sina Congolese center Rhena Itesi na may 12 puntos, walong rebounds, tatlong assists, at tatlong steals, habang tumipa si Kelli Hayes ng siyam na puntos, tatlong boards, dalawang assists at dalawang steals.

Umarya rin si Kaye Pingol ng 15 puntos, limang rebounds, dalawang assists, at dalawang steals.

Inialay ng Lady Bulldogs ang tagumpay sa kanilang graduating senior na si Jack Animam, hindi na nakapaglaro sa serye matapos magtamo ng injury sa kanang mata at kasalukuyang nagpapagaling sa Auckland, New Zealand.

Nanguna sa UST si Tantoy Ferrer na may 16 puntos, anim na rebounds, at tatlong steals, habang kumana si Season MVP Grace Irebu ng 11 puntos at 10 boards.

Iskor:

NU (66) -- Pingol 15, Del Carmen 15, Itesi 12, Hayes 9, Cacho 7, Canuto 3, Clarin 3, Surada 2, Bartolo 0, Cac 0, Fabruada 0, Goto 0, Harada 0.

UST (54) -- Ferrer 16, Irebu 11, Portillo 7, Soriano 6, Panti 5, Tacatac 4, Callangan 3, Rivera 2, Gandalla 0, Gonzales 0, Javier 0.

Quarterscores: 25-8, 36-23, 46-36, 66-54.