CALATAGAN, Batangas – Madamdamin ang bawat sigwa ni Rep. Mike Arroyo sa kampanya ng Philippine polo team sa 30th SEA Games.

ROMERO: Katuparan ng pangarap ang SEAG polo event.

ROMERO: Katuparan ng pangarap ang SEAG polo event.

Hindi man nakatuon sa kanya ang ratsada ng laro, bilang isang ama, kipkip niya ang gunita nang namayapang anak, dahilan para masumpungan ang sarili na iaalay ang laro sa lumisan na anak na si Miguel.

“I’ll dedicate all our games to Miguel, he should have been playing here,” pahayag ni Romero sa kanyang madamdaming mensahe sa pagpapasinaya ng ‘Bamboo Pavilion’ s aloob ng Miguel Romero Polo Field.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Malapit sa isa’t isa ang mag-ama at napagdesisyunan niyang ipangalan sa anak ang polo ground bilang paggunita kay Miguel.

Pumanaw si Miguel noong Dec. 14, 2017 sa batang edad na 22.

Pinasalamatan din ni Romero ang Philippine Olympic Committee (POC), Philippine SEA Games Organizing Committee (Phisgoc) at Philippine Sports Commission sa suportang ipinagkaloob para matupad ang matagal nang panagrap ng pamilya Romero.

“Just like me, Miguel was athletic and he wanted to represent the country that’s why I’m thankful sa kanilang tatlo for Miguel finally realized his wish,” aniya.

“Ngayon, he’s still part of the SEA Games because the whole field is named [after] sa kanya – in his memory.”

Bahagi si Romero sa pagbuo ng Philippine National Federation of Polo Players (PNFPP) at kabilang sa koponan na lalaban para sa bayan sa 30th Southeast Asian Games.