MULING nakalambat ng illegal bookies ang pinagsamang puwersa ng Games and Amusement Board (GAB) at MPD-RID RSOG at DID DPIOU na nagresulta sa pagkakadakip ng apat katao nitong Nobyembre 20.

MITRA: Handa kami.

MITRA: Handa kami.

Magkakasabay na isinagawa ang operasyon sa tatlong  magkakaibang lokasyon ng illegal bookies na nasa Sancho Pancho Street, G. Tuazon Street at Lavanderos Street na pawang sakop ng Sampaloc, Lungsod ng Maynila. Ang ibang mananaya ay nagpulasan nang dumating ang mga operatiba dahil sila ay may mga look-out o espiya malapit sa mga patayaan dahil na rin sa napapabalitang sunod-sunod na operasyon kontra illegal bookies.

Ang mga nabanggit na iligal na patayaan ay sumailalim sa pulidong casing and surveillance operation at base sa rekord ng Horseracing Betting Supervision Division ng GAB, ang mga ito ay hindi lisensyado o hindi otorisado na magpataya sa karera ng kabayo.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Matatandaang nakaraang linggo lamang ay matagumpay ding naisagawa ang kaparehong operasyon kontra illegal bookies.

Ang mga illegal bookies ay maigting na nilalabanan ng pamunuan ng GAB na pinangungunahan ni Chairman Abraham Kahlil ‘Baham’ Mitra sa pakikipag-ugnayan sa bagong pamunuan ng NCRPO sa pamumuno ni PBGEN DEBOLD M. SINAS na nagdeklara ng "No Take Policy" hinggil sa sa mga ilegal na gawain.

Para sa GAB, seryoso ang operasyon kontra illegal bookies at nais nitong palawigin pa ang mga operasyon sa mga iba pang siyudad sa kamaynilaan maging sa mga kalapit probinsiya.

Ang operasyon kontra illegal bookies ay nasa mandato ng GAB na siya ring ahensya na nagri-regulate sa iba pang mga propesyunal na laro at libangan. Ang mga illegal na patayaan o bookies ay mariing kinukontra ng GAB bunsod ng hangaring protektahan ang industriya ng pangangabayo dahil ang mga bookies ay nagpapababa sa kita ng mga legal na patayaan o Off-Track Betting Stations.