ILULUNSAD ang pinakamalaking proyekto sa eSports sa Pilipinas at Southeast Asian region, tampok ang pinakasikat na DOTA 2 player sa mundo na si Pan ‘Ruru’ Jie.
Tinaguriang ‘LGD International Launch Party: A Collab of LGD and Esportsplay Gaming,’ gaganapin ang kolaborasyon bukas (Nov. 26) ganap na 1:00 ng hapon sa Conrad Hotel. Libre ang pagpapatala sa programa.
Itinuturing pinakamatagumpay na DOTA2 team sa mundo ang LGD at isa sa pinakabatikang eSports organization sa China, habang ang Esportsplay Gaming – ang bagong sumisikat sa mundo ng eSports. Ang kolaborasyon ay nagbunga sa pagbuo ng LGD International, na isang Southeast Asia-based team.
Target ng LGD International na makahanap ng mga premyadong players sa Pilipinas at sa buong rehiyon para sanayin, pangasiwaan at maihanda para sa malalaking international competition, kabilang ang ‘The International (T.I.), itinuturing pinakamalaking DOTA 2 tournament sa mundo.
Pinangangasiwan ang Esportsplay Gaming ni Chief Operating Officer Ivan Angelo Cuevas at Chief Operating Officer John Tze, kapwa eSports enthusiasts at entrepreneur na naniniwala sa potensyal ng Pinoy sa eSports na kabilang na rin sa multi-event international sports competition tulad ng Asian Games, Olympics at sa 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa simula Nobyembre 30.
Hindi pahuhuli ang Pilipinas sa DOTA/DOTA2 at tunay na worldc-class ang Pinoy eSports players.
Sa gaganaping launching, ipinahayag ng LGD ang pagpiuli sa anim na tagahanga para makalaro ang mga DOTA2 stars tulad ni RuRu, kasalukuyang CEO ng LGD na kanyang itinatag noong 2009.
Bukas pa ang pagpapatala, buksan ang https://LGDint.progressiveprosolutions.com para sa karagdagang detalye.