MATAPOS ang dalawang edisyon ng hindi pagsabak, sisikapin ng national team ng chess na makasikwat ng gintong medalya sa muling pagsabak nito sa nalalapit na hosting ng bansa ng 30th Southeast Asian Games (SEAG) ngayong Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Handa ang koponan sa rapid at blitz competitions kung saan kumpiyansa sila na makakakuha ng magandang puwesto para sa nasabing kompetisyon.

“So far so good. We’re doing well in our mental and physical preparations,” pahayag ng Women’s International Master na si Catherine Secopito.

Ang 34-anyos na si Secopito ay maglalaro kasama ni Shania Mendoza sa rapid events habang sina Janelle Frayna at Cherry Ann Mejia ang magiging pambato sa blitz events sa tulong ng mga coaches na sina Jayson Gonzales at Grandmaster Eugene Torre

Ang International Master na si Daniel Quizon ay kabilang din sa pagbibigay ng ayuda para sa koponan kasama ang isa pang IM na si David Elorta para sa blitz event men’s.

'I really love you kuya!' Tapatang Pacquiao brothers, ekis mangyari!

Sasabak naman sina IM Paulo Bersamina at FIDE Master Jan Emmanuel Garcia sa rapid event.

Sisikapin ng koponan na makakuha sa anim na gintong nakataya sa pagsabak nila Disyembre 1 hanggang 8 sa Subic Convention Center.

“It will be tough, but we’ll make the best effort out there, na maganda ang preparation at psychologically prepared,” ani Torre.

Si GM Wesley So, na ngayon ay kinakatawan na ang bansang Estados Unidos sa chess ay ang huling Filipino na nagwagi ng gintong medalya buhat sa biennial meet noong 2011 Indonesia SEA Games.

-Annie Abad