TALIWAS sa inaasahan, tatlo lamang sa anim na player ng Ginebra sa Gilas pool ni coach Tim Cone  ang napili sa opisyal na line-up ng Philippine National Team sa basketball event ng 30th Southeast Asian Games.

TEAM Gilas Pilipinas.

TEAM Gilas Pilipinas.

Sa opisyal na line-up na inilabas ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) nitong Biyernes, sina LA Tenorio, Stanley Pringle, at Japeth Aguilar lamang ang napabilang sa National Team.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nahulog sina Scottie Thompson, Art Dela Cruz at Greg Slaughter.

Nauna ng naalis si Slaughter dahil sa natamo nitong injury sa kanyang hinlalaki sa ensayo nila sa Ginebra.

Ang iba pang miyembro ng koponan na sasabak sa biennial games ay sina June Mar Fajardo, Marcio Lassiter at  Chris Ross ng San Miguel Beer, Troy Rosario at Roger Pogoy ng TNT, Christian Standhardinger ng NorthPort, Matthew Wright ng Phoenix, Vic Manuel ng Alaska  at Kiefer Ravena ng NLEX.

Ang koponan na naatasang kumampanya para sa target na ika-18 gold medal ng bansa sa men's basketball ng SEA Games ang unang all-professional squad na kakatawan sa Pilipinas sa event.

Sa hanay naman ng mga manlalaro, unang pagkakataon naman na magiging miyembro ng national team nina Ross at Manuel. Marivic Awitan