NAMAHAGI ang Department of Agriculture (DA) sa Region 6 ng mga garlic seeds bilang panananim para sa ilang mga magsasaka sa probinsiya ng Antique na sumailalim, sa pagsasanay para sa pagtatanim ng bawang sa idinaos na People’s Day, kamakailan.

Sa isang panayam kay Antique Provincial Agriculturist Nicolasito “Nick” Calawag, sinabi nitong ang mga magsasakang nakatanggap ng native garlic seed nitong Nobyembre 19, ay ang mga dumalo sa dalawang araw na pagsasanay na pinangunahan ng DA, noong nakaraang buwan.

“The farmer-beneficiaries were from the towns of Patnongon, San Jose de Buenavista, Sibalom, and San Remigio,”aniya.

Dagdag pa niya, nagkaloob ang DA sa ilalim ng High-Value Crops Program ng nasa 1,500 kilo ng garlic seeds na nagkakahalaga ng P300,000 mula Batanes para sa mga benepisyaryong magsasaka.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“The garlic seeds were given as part of their starter kit,” pahayag ni Calawag.

Aniya, sapat na ang mga naipahamahagi bilang planting material para sa kabuuang apat na ektaryang lupain na tinukoy sa munisipalidad.

Bukod naman, aniya sa pamamahagi ng garlic seeds, nakatanggap din ang mga magsasaka ng nasa kabuuang 15 sako ng pataba mula sa ahensiya.

“The garlic and fertilizers were given for free to the farmers,” ani Calawag.

“With the provision of the planting materials and fertilizers this would then encourage our farmers to engage in garlic propagation,” dagdag pa niya.

“The current market price of a kilo of garlic is about 80 pesos to 100 pesos,” aniya.

Naniniwala naman si Calawag, na magandang kabuhayan ang pagtatanim ng mga bawang na maaaring maani matapos lamang ang 90 hanggang 120 araw.

PNA