SA pagpasok ng internet at social media, ang rural media, sa madali nitong kahulugan, ay nawalan na ng ningning na dati nitong pagkakakilanlan sa larangan ng pamamahayag ilang dekada na ang nakararaan, na apektado ng pagbabago sa isensiya ng pangangalap ng balita.
Ang kahalagahan ng rural media, o sa madaling salita ay probinsiyal na mamamahayag, sa ating bansa ay isang tema na hindi nabibigyan ng sapat na pagkilala. Sa nakalipas, mahabang proseso ang pinagdadaanan ng mga ito upang makuha lamang ang ‘first-hand’ na balita mula sa mga sources at ipinadadala ang kanilang mga gawa nang may linaw, lalim, drama at kompleto. Sila, sa paglalarawan, ang maituturing na “cream of the crop” sa larangan ng paglalabas ng pinakamaiinit na balita. Ngayon, itinuturing na ang mga ulat na ito nang birtuwal, tulad sa isang tsismis.
Dekada na ang nakalilipas, ang balitang ibinabahagi ng rural media sa mga pambansang pahayagan ay itinuturing na ginto na kalimitang sumasakop sa unang pahina ng pahayagan. Sa katunayan, naglalaan pa noon ang mga publikasyon ng ilang pahina upang mabigyan ang mga mambabasa ng sapat na balita mula sa mga probinsiya.
Nakakalungkot isipin, na ang mga pahayagan ngayon ay kalimitang nakatuon na sa politika, ekonomiya, fashion at entertainment, at iba pang seksyon. Tanging mga kalamidad lamang at mga trahedya sa probinsiya ang nakapupukaw, at mga eskandalo, na nahaluan ng politika ang nagkakamit ng unang pahina.
Ang pagbabalik sa istatus ng rural media sa ating mundo ng balita ay mag-uugnay sa mga tao at magdadala ng mga kaganapang nangyayari mula sa mga pinakamalayo at liblib na rehiyon sa bansa. Sa pamamagitan ng pagbabago sa kasalukuyang sistema ng pag-uulat, makakaasa ang mga mamamahayag sa probinsiya sa pagbangon ng mga ito mula sa tatak nitong ‘outcast’ sa pamamahayag.
Sa gitna ng mga banta na dala ng teknolohiya, ang Publishers Association of the Philippines, Inc. (PAPI), bilang pagmamahal sa rural media, sa nakalipas na huling bahagi ng siglo, ay patuloy na nagsisikap sa pagsasakatuparan ng nag-iisang aktibong taunang pagsasama-sama ng mga mamamahayag sa probinsiya. Bilang pagkilala, nagpapatuloy ito, mula sa inspirasyon ng paggiging malikhain at pangako, nang may pag-aalab na damdamin.
Sa Disyembre 3-6, 2019, ang PAPI, ay magdaraos ng ika-24 na National Press Congress sa Kalibo at Boracay Island sa Aklan. Ang kaganapang ito ay nakasalig sa Presidential Proclamation 1187 na nilagdaan noong 2005, na nagdedeklara sa Disyembre bilang ‘Month of the Community Press in the Service of the Nation,’ kasama ang PAPI, na pinamumunuan ngayon ni Nelson Santos.
Tampok sa pagdiriwang, na may temang “fraternal leadership, service to the nation, and re-sponsible media practice advocacy,” ay ang paglulunsad ng limang taong agenda na isasabay sa ika- 50 anibersaryo ng pagkakatang ng PAPI sa 2024.
-Johnny Dayang