AFFECTED ang mga nakarinig sa kinanta ni Jennylyn Mercado na mapapanood sa Co-Love sa YouTube channel niya. May pamagat naKung Nandito Ka Lang composed by Nar Cabico para sa the late adoptive mother ni Jennylyn na si Lydia Mercado.

Jennylyn

Sabi ni Jennylyn: “This song is dedicated to the person who raised me as her own. I miss you Mama. Kung Nandito Ka Lang... Thanks @narcabico for composing this song for me and my Mommy Lydia. Thank you @zsaris for singing this special song with me!”

Sobra ang emotion na inilagay ni Jennylyn by singing the song, ramdam ang lungkot at longing sa namayapang adoptive mom at ramdam ‘yun ng listeners. May nag-comment nga na pati sila, nami-miss si Mommy Lydia.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Anyway, malapit nang simulan ang promo ng 2019 MMFF entries kung saan, kasama ang pelikulang 3Pol Trobol nina Coco Martin, Ai-Ai delas Alas at Jennylyn. Tuloy din ang taping ni Jennylyn ng Descendants of the Sun kung saan, siya ang leading lady ni Dingdong Dantes.

Next year pa ang airing ng DOTS sa GMA-7, pero marami na ang excited at nagre-request sa Kapuso Network na ngayon na ipalabas ang Philippine adaptation ng hit Korean drama.

-Nitz Miralles