NO DOUBT, powerful marketing strategy ang nagdala sa Beautéderm sa posisyon nito ngayon.

Kung hindi man isa sa mga nangunguna, malamang na ito na ang number one ngayon sa gumagawa ng local wellness and beauty products.

Sa loob ng magsasampung taon simula nang umpisahan ni Rhea Anicoche-Tan, ang presidente/CEO ng Beautéderm Corporation sa puhunang P3,000, nalampasan na nito ang kasikatan at sales ng mga nauna pa sa kanya sa market.

Malaking lamang ni Rhea sa ibang kompanya ang kanyang background sa marketing (hawak niya dati ang isang appliance store) at sa media (dati siyang disc jockey sa isang FM station).

Tsika at Intriga

Vice Ganda, pasimpleng kinumpirma breakup nina Ryan Bang, Paola Huyong?

Nagagawa niyang pagsamahin sa Beautéderm ang mga alagang artista ng ABS-CBN at GMA-7. Pagkatapos ilunsad sina Matt Evans, Carlo Aquino, Ria Atayde, Jane Oineza, Ejay Falcon, Ryle Santiago, Alex Castro at Kitkat ng ABS-CBN Star Magic a few months ago, kasunod namang pormal na ipinakilala kamakailan bilang brand ambassadors din sina Camille Prats, Ken Chan, Pauline Mendoza, Rita Daniella, at Sanya Lopez ng GMA Artists Center.

Inaasahan na lalo pang lalakas ang sales sa tulong ng bagong endorsers na may kanya-kanyang hukbo ng fans at followers. Visible si Camille as maraming shows ng GMA at sinusubaybayan ng kababaihan sa bilang isa sa hosts ng daily magazine talk show na Mars Pa More.

Itinuturing nang isa sa top leading men ng Siyete si Ken Chan simula nang magbida sa top-rating series na Destiny Rose, Meant To Be, at My Special Tatay. Going stronger ang love team nila ni Rita Daniella at kinaaliwan at kinakikiligan simula sa My Special Tatay hangga sa One of the Baes na paborito ngayon at maging sa second season ng The Clash. Fastest rising young star ng GMA si Pauline Mendoza na napanood sa Little Nanay, That’s My Amboy, Kambal Karibal at nasa cast uli ng Love You Two.

Sumikat si Sanya Lopez nang gumanap bilang Hara Danaya sa remake ng Encantadia noong 2016. Katatapos lang niyang magbida sa crime drama series na

Dahil sa Pag-ibig at isa ngayon sa top at strong online influencer sa digital world.

“My Beautéderm babies are increasing at masaya at proud akong i-welcome ang aking GMA Artist Center brand ambassadors sa aming lumalaking pamilya,” sabi ni Rhea.

“Sina Camille, Ken, Pauline, Rita, at Sanya ay lima sa pinakamahuhusay na artists na aking nakilala and I am at awe with what they have accomplished in their individual careers. Blessed ang Beautéderm to have them onboard.”

Itinatag ni Rhea Anicoche-Tan ang Beautéderm noong 2009. Ang kanyang mission-vision, i-beautéfy ang bansa “one person at a time” sa pamamagitan ng de-kalidad, ligtas, at epektibong beauty and wellness product.FDA Notified na plant-based lamang ang ginagamit at pinagsama-samang sangkap.

Pero bukod sa pisikal na kagandahan sa bawat loyal user, tinitiyak din ng kompanya ang pag-unlad o pagganda ng kabuhayan ng resellers at distributors ng mga produkto. Superbrands awardee na ang Beautéderm ngayon na may sikat na sikat nang flagship brands tulad ng Skin Care Sets para sa mukha at katawan, Reverie by Beautéderm Home na kinabibilangan ng room at linen sprays at pati na rin ng mga scented soy candles, at ang perfume collection na kinabibilangan ng Origin Senses perfumes for men at pati narin ang mga bagong produkto gaya ng Beauté Balm, Au Revoir Skin Soothing Oil, at Cristaux Gold Elixir Serum. Lahat ng ito ay pawang top-selling products sa market ngayon

-DINDO M. BALARES