MAY tsansa ba ang Team Philippines na muling makamit ang overall championship sa Southeast Asian Games?

Board para maibigay ang pangangailangan ng mga atleta sa kanilang paghahanda sa 30th SEA
Games. (RIO DELUVIO)
Kung pagbabatayan ang suporta at ginugol na ‘financial assistance’ sa 46 national sports association na sasabak sa ika-30 edisyon ng biennial meet, kumpiyansa si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez na kayang manalo – sa ikalawang pagkakataon sa harap ng sambayanan – ng atletang Pinoy.
“We won the overall title in 2005, although bumaba yung performance nation in the past SEAG edition, this year is a different. The government spent P1 billion for the athlete equipment, allowances and training here and abroad. It was a well spent people’s money and we believe our athletes will deliver,” pahayag ni Ramirez.
Nataon, si Ramirez, tubong Davao City, ang PSC Chairman nang makamit ng Philippine Team ang overall title noong 2005.
Inamin ni Ramirez na hindi ligtas sa negatibong reaksiyon ang pamahalaan hingil sa paghahanda ng SEA Games, ngunit iginiit ng Chief of Mission ng Team Philippines na hindi siya bahagi ng PHISGOG Foundation na siyang nag-organisa ng biennial meet.
“Under the SEAG Federation rules on hosting, magkakasama talaga ang POC, PSC at Executive Office sa organizing committee, pero sa binuong foundation hindi po kasama ang PSC, yan po klaro, hindi po member ng board si Chairman Ramirez,’ aniya.
Kabuuang 1,280 atleta, coach, opisyal at supporting staff ang bumubuo ng Team Philippines na magtatangkang magwagi ng 274 gintong medalya.
“Base sa meeting namin sa mga NSA, yung projection nila ay talagang mataas and possibly malagpasan natin yung gold medal hauled natin during SEAG 2005,” sambit ni Ramirez.
Nagwagi ang bansa ng 112 gintong medalya sa pagkopo ng overall tile noong 2005.
“From equipment and all procurement process dumaan po sa amin (PSC) and we recommend the release of the budget sa Department of Budget and Management (DBM).
-Edwin Rollon