BINALIKAT ni Sean Anthony ang open sa ng NorthPort para maitala ang back-to-back win ng Batang Pier sa playoffs ng PBA Governors’ Cup.Nagposte si Anthony ng all-around effort na 18 puntos, anim na rebounds at anim na assists para maungusan ng Batang Pier ang Barangay Ginebra, 98-96, at selyuhan ang ikatlong sunod na quarterfinals stint ngayong season.Nauna rito, tumapos ang Fil-Canadian forward na may 19 puntos at pitong rebounds nang gapiin ng NorthPort ang league-leader NLEX, 102-94.
Sa nasabing dalawang laro sa éliminations, nagtala si Anthony ng average na 18.5 puntos, 6.5 rebounds, at 4.0 assists.
Dahil sa kanyang ipinamalas na performance, si Anthony ang napili na PBA Press Corps-Cignal Player of the Week nitong Nobyembre 11-17.Tinalo ng 33-anyos na si Anthony para sa weekly honor ang teammate na si Christian Standhardinger, ang Alaska duo nina Maverick Ahanmisi at Vic Manuel, ang Magnolia backcourt tandem nina Paul Lee at Chris Banchero, Phoenix guard Matthew Wright, at ang trio ng Barangay Ginebra na sina Jeff Chan, Stanley Pringle at Japeth Aguilar.
-Marivic Awitan