UMABOT sa 750 kabataan buhat sa South Cotabato ang nakinabang buhat sa pagsasanib puwersa ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Sports Institute (PSI) at Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Martes para sa pagtatanghal ng grassroots sports program para sa Mindanao Sports for Peace Caravan na ginanap sa Bangsa Moro ARMM Sports Complex sa Cotabato.

MASAYANG nakiisa si Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Charles Maxey sa mga batang kalahok sa isinagawang Mindanao Sports for Peace Caravan kamakailan sa Bangsa Moro ARMM Sports Complex sa Cotabato.

MASAYANG nakiisa si Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Charles Maxey sa mga batang kalahok sa isinagawang Mindanao Sports for Peace Caravan kamakailan sa Bangsa Moro ARMM Sports Complex sa Cotabato.

Tampok ang mga sports na basketball, volleyball, chess, football, sepak takraw at athletics ang mga pinaglabanan ng mga kabataan buhat sa Maguindanao 1, Maguindanao 2 at Cotabato City na umabot sa mahigit sa 500 kalahok.

“May isang panahon na kinikilala ang mga taga-Maguindanao tulad nina Asian Games medalist Tukal Mukalam at Mona Sulaiman sa pabilisan sa takbuhan. Pero matagal na nawala pati na rin sa mga kabataan dahil sa kailangan nilang tumakbo, hindi para sa kompetisyon kundi para sa kanilang mga buhay,” pahayag ni BARMM-MBHTE Minister na si Hon. Monaguer A. Iqbal-Al-Haj.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“Nagpapasalamat kami sa PSC-PSC at AFP sa pagbibigay ng bagong direksiyon sa buhay ng ating mga kabataan na hindi na sila tatakbo para iligtas ang kanilang buhay, kundi ang pag-asa na mabigyan at matikam naman nila ang isang magandang buhay,” ayon naman kay BSC-BARMM Chairman na si Norhan Malaguiok Uka.

Pinasalamatan naman ni AFP General Services Chief Colonel Taharudin Piang Ampatuan si PSC Chairman William “Butch” Ramirez sa buong suportang ibinibigay nito para sa nasabing caravan na naglalayong marating ang kabuuang 17 probinsya na umaasang maitulay ang edukasyon at sports upang maisakatuparan ang kapayapaan sa lalawigan ng Mindanao.

“We want to accomplished three objectives here in aiming to encourage our kids into sports and educate them, then get them away from the call of the conflict here in Mindanao, and see them as being considered as young promising athletes that could be recruited by good schools and become national players,” ani Ampatuan.

Mismong si PSC Commissioner Charles Raymond Maxey, ang siyang naging kinatawan ni Chairman Ramirez, na nag-abot sa mga karangalan ng mga nagwagibuhat sa nasabing kompetisyon.

-Annie Abad