BUO na ang cast at nag-story conference na ang GMA Network ng bago nilang teleserye na Bilangin Ang Bituin Sa Langit, ang TV adaptation ng hit and critically acclaimed movie nina Nora Aunor at Tirso Cruz III na ipinalabas noong 1989.

Mylene Nora Kyline

Ang lead stars sa teleserye ay tatlong magagaling na aktres sa magkakaibang henerasyon -- sina Nora Aunor, Mylene Dizon at Kyline Alcantara.

Si Nora ay si Cedes (dating role ni Perla Bautista sa movie version), si Mylene ay si Magnolia or Nolie dela Cruz at si Kyline ay si Maggie. Sa movie version, ginampanan ni Nora ang role nina Nolie at Maggie.

Events

Lotlot, sinabing pareho nang kumakanta sa langit 'Mommy at Mamita' niya

Ang iba pang bubuo sa cast ay sina Zoren Legaspi, Ina Feleo, Yasser Mata, Isabel Rivas, Divina Valencia at Gabby Eigenmann. May special participation sina Ricky Davao at Dante Rivero. Ang award-winning filmmaker na si Ms. Laurice Guillen ang magdidirek ng serye.

Ang huling teleserye ni Nora last year sa GMA ay ang Onanay. Si Mylene naman ay katatapos lamang ng epic-serye na Sahaya kasama sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix. Samantalang si Kyline ay huling napanood sa GMA Afternoon Prime na Inagaw na Bituin.

Nakatakda na silang mag-taping sa huling linggo ng Novermber or first week of December. Mapapanood ang serye simula sa huling linggo ng Enero, 2020.

-NORA V. CALDERON