INIIYAKAN ng televiewers at netizens ang madamdaming “Love Shines” Christmas Station ID (CSID) ng GMA Network. Nangangahulugang highly efficient ang kanilang production para maiparamdam sa mga manonood ang pagmamahal na nais nilang mamayani sa puso ng ating mga kababayan.
Ito ang pinakahuli sa naging tradisyon nang heartwarming na Christmas campaigns na “PasaLove” (2009), “Share the Love” (2014), “MaGMAhalan Tayo Ngayong Pasko” (2015), at “Buong Pusong MaGMAhalan” (2017).
Nagsama-samang muli ang mga Kapusong artista at News and Public Affairs personalities upang maagang palaganapin ang diwa ng Pasko. Nagbigay sila ng homage sa ilang karaniwang mamamayan, kasama ang isang inang binubuhat ang kanyang 22 taong gulang na anak na may kapansanan upang makapasok sa school araw-araw sa loob ng 15 taon; ang isang anak na ipinagmamalaki ang mga sakripisyo at kasipagan ng amang garbage collector para maitaguyod ang pag-aaral nilang magkakapatid; isang earthquake survivor sa Pampanga at ang kanyang rescuers, at maraming iba pa.
Nais ipakita ng Kapuso Network ang mga totoong kuwento ng pagmamahal at pananalig, bilang katunayan na may kakayahang maging liwanag ng pagmamahal ang bawat isa sa ating kapwa.
Trending topic worldwide agad ang #LoveShines at mabilisang umabot sa one million views ang video nang i-launch noong November 10. Hinangaan ng maraming netizens ang CSID sa naipadamang kahalagahan ng Pasko at marami rin ang na-encourage para magbahagi ng kaligayahan, pag-asa, at pagmamahal lalo na sa higit na nangangailangan nito.
“It will shine worldwide, not only this season but forever. Kudos GMA for this brilliant and amazing festive kind of a heartfelt storytelling of real life survivors and heroes,” komento ni Dawud Ben Olivar Oliquiano.
“When I watched the CSID of GMA I cried. I miss my family in the Philippines so much. This is my first Christmas away from home. Saan ka man lupalop ng mundo, don’t forget that #LoveShines in all of us. Thanks GMA for this heartwarming message,” emosyonal na sabi naman ni Honey May Lobedica.
“You can feel GMA’s sincerity in reaching out to the needy. It is not only for publicity or ratings, they truly wanted to make a difference. And their artists reflect the values they hold dearly. Kapuso forever!” wika naman ni Bo Mason.
Humanga rin si Susan Ocampo sa storytelling ng video.
“Simple but touching. I love that GMA focused on the stories. Almost all of these napanood ko sa KMJS or sa social media kaya familiar sila. Maligayang Pasko mga Kapuso!” aniya.
Patuloy na napapanood ang Christmas Station ID ng GMA Network sa GMA-7 at online sa www.GMANetwork.com o sa GMA Network official social media accounts.
-DINDO M. BALARES