LALARGA ang Basilan Leg ng Philippine Volleyball Federation- Tanduay Athletics Girls U18 ‘Series In UR Cities’ Volleyball sa Nobyembre sa Isabela City Gymnasium sa Isabela City, Basilan.

cantada

Sa koordinasyon ni PVF officer, Dr. Arnel Hajan, ang grassroots sports development program ng PVF, ay sa pagtataguyod ng Office of the Mayor of Isabela City, sa pamumuno ni Honorable Mayor, Madame Dadah Turabin~Hataman, the Honorable Deputy Speaker Mujiv Hataman, Claude M. Ramos II of the City Tourism Council, City Administrator Joel Basilan Zanoria at Sitti Auna Riverland Resort and Hotel.

Ang magwawagi sa Basilan Leg ay makakasama sa Mindanao Teams na sasabak sa National Finals na gaganapin sa Manila. Ang tatanghaling National Champion ay ipadadala sa Singapore (all expenses paid) para lumahok sa torneo o makipagtagisan ng galing sa friendly match sa local high school teams.

Walang gagastusin ang mga kalahok dahil libre ang torneo, maging ang pagkain at inumin.

5-anyos na batang ginilitan at winakwak ang tiyan, pumanaw na!

Personal na pinangangasiwaan ni PVF President Edgardo “Tito Boy” Cantada ang lahat ng serye ng torneo, kasama sina PVF Secretary General Gerard Cantada, PVF Managing Director Dr. Otie Camangian at PVF officer Weng Caparas.

Ang pakikiisa ng PVF sa programa ng Basilan Sports Council ay pagpapatunay na isang destinasyon para s amga turista ang lalawigan, partikular ang Isabela City na pamoso sa magagandang tanawin at malaparaisong beach, higit ang mapayapa at mapag-pakumbaba at palakaibigang locals.