MINSAN nang itinaya ni Senator Juan Miguel Zubiri ang pagkapangulo ng Philippine Eskrima Kali Arnis Federation(PEKAF) bilang motibasyon para mapagkaisa ang lahat ng arnis stakeholders.

MATAAS ang morale ng mga miyembro ng Philippine Arnis Team sa pagsabak sa 30th Southeast Asian Games sa suporta at pangangalaga ni PEKAF president Senator Juan Miguel Zubiri.

MATAAS ang morale ng mga miyembro ng Philippine Arnis Team sa pagsabak sa 30th Southeast Asian Games sa suporta at pangangalaga ni PEKAF president Senator Juan Miguel Zubiri.

Ngayong, nasa tamang landas ang PEKAF, muling itinaya ni Zubiri ang kanyang posisyon para pataasin ang morale ng mga atleta na magtatangkang magdomina sa inaugural arnis event sa 30th Southeast Asian Games na hahataw sa New Clark City sa Tarlac sa Disyembre 1-3.

“Ang sabi ko sa kanila, handa akong magresign bilang presidente ninyo para yung mas magaling na lider na manguna sa inyo kung hindi tayo makakapanalo sa SEA Games. Nasa bayan natin ang laro, kaya pagsikapan ninyo na hindi mapahiya sa ating mga kababayan,” pahayag ni Zubiri sa isinagawang send-off para sa mga miyembro ang opisyal ng PEKAF.

Nakatakdang umalis patungong New Clark City ang grupo para maagang makapaghanda at masanay sa bagong pasilidad.

Brandon Clarke ng Memphis, pumanaw sa edad na 29!

“We are looking at 11 to 12 golds.I’m trying to be conservative but if we win more than that,we’ ll be more happy,” ayon kay Zubiri, naging National Arnis champion (1990).

Sasabak ang Pinoy arnis jins sa 24 na events (livestick at anyo).

“I guarantee you at the very least we will be able to dominate most of the golds in the sport,” kumpiyansang pahayag ng Senate Majority Floor leader.

“Marami ring magagaling. I don’t want to discount the possibility of Vietnam winning a number of gold medals and they’ve been training for this event and a number of golds from Myanmar and Cambodia is very possible.

Hinimok ni Zubiri ang mga atleta na ibigay ang lahat para sa bayan, kasabay ang pangako na may nakahandang insentibo para sa mga medalist. Ipina-abot din ni Zubiri ang pasasalamat sa suporta ng Philippine Sports Commission at ayuda ng corporate sponsor na Phoenix.

-Edwin Rollon