LEADING lady na si Miles Ocampo sa Write About Love, ang kaisa-isang romantic comedy sa walong official entries sa 2019 Metro Manila Film Festival.

mILES

Produced ng legendary indie outfit na TBA Studios at mula sa concept at direksiyon ni Crisanto Aquino, ito ang biggest project at biggest role ni Miles sa buong career niya na nagsimula sa Goin’ Bulilit at kalaunan ay may regular stint sa Home Sweetie Home. May precedent na naging dark horse ang rom-com sa MMFF, ang English Only, Please nina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay noong 2014 na tumabo ng P135M. Rom-com din ang record holder ng pinakamalaking box office income sa lahat ng panahon (P880M), ang Hello Love Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Kaya malaki ang tsansa ng Write About Love para mapasali sa top earners.

Malakas ang hatak ng rom-com sa millennials, ang age group na kinabibilangan nina Miles at Kathryn. Kaya kung hahataw ang Write About Love sa MMFF, mapapadagdag si Miles sa bankable stars ng kasalukuyang young adults market na pinagrereynahan ni Kathryn.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Pero magkaiba ang career path nina Miles at Kathryn.

Bawat ordinaryong child star, nangangarap maging superstar o lead star pero hindi ordinaryong artista si Miles. Mas gusto niyang mapalinya sa supporting roles, na ayon sa kanya ay mas marami kaysa mga assignment o papel na pangbida.

“Mas gusto kong tuluy-tuloy lang ang trabaho ko, kahit hindi gaanong sikat at kahit hindi bida basta laging may trabaho at magtatagal ako,” sagot ni Miles nang tanungin ko sa pocket presscon para sa Write About Love kung ano ang goal niya sa showbiz.

Sadyang independent minded si Miles at hindi “water lily” na nagpapatangay kung saan malakas ang agos. May sariling direksiyon siyang gustong puntahan.

Sa katunayan, gusto niyang maging writer. Pambihira ito sa mga artistang katulad niya. Iilan ang celebrity na pagiging professional writer ang goal. Sa mas naunang henerasyon, si Bela Padilla lang ang nagsusulat.

Pero mas seryoso at kahanga-hanga si Miles, nag-enrol siya sa full writing course. Nag-aaral siya ngayon ng Malikhaing Pagsulat sa University of the Philippines.

Ang background mismong ito ang naging dahilan kaya siya lang ang handpicked ni Direk Cris sa apat na main characters ng Write About Love. Dahil writer ang main protagonist na gagampanan niya. The rest, sina Rocco Nacino (na gaganap bilang senior writer na magsisilbing guide ng character ni Miles as neophyte), Joem Bascon at Yeng Constantino (bilang characters ng script na sinusulat nila), lahat dumaan sa audition.

Kuntento na sa supporting roles si Miles pero sabi nga ni Heraclitus, character is destiny.

Kung nakatakda kang maging bida o big star, walang makakapigil, kahit ang sarili mo na mas gustong smooth lang ang career.

Maraming fans si Miles, bagamat tahimik lang sa ngayon, pero baka sakaling lumabas ang mga ito para suportahan ang kanyang unang pagbibida sa pelikula.

Abangan natin ang resulta.

-DINDO M. BALARES