Napanoodnamin ang episode na “Samar: Poverty-Stricken Province” sa iWant series na Unlisted at humanga kami sa ganda ng lugar --ang mga kuweba at wild river na maituturing na tourist spots pero hindi ito gaanong nababalita at may mga dayuhang nakakapunta lamang kapag isinasama rin ng mga tagaroon.

Robi at Sue

Kasama ang Samar (sa Eastern Visayas) sa muntik mabura sa mapa ng Pilipinas nang tumama ang supertyphoon Yolanda noong Nobyembre 8, 2013 na ipinakita na halos walang natirang kabahayan at ang pinakamasaklap ay marami ang namatay.

Bagama’t mahirap ang mga naninirahan sa Samar, ang 3rd largest island sa Pilipinas ay mayaman sa natural resources, ang ganda ng kabundukan nila na sana hindi ito tibagin at tayuan ng mga gusali.

Tsika at Intriga

Andi Eigenmann, pinabayaan na raw ba talaga sarili niya?

Ang linaw ng Ulot River kaya naman tuwang-tuwa itong pinaliliguan ng mga batang tagaroon.

Sa mga gustong pasyalan ang lugar ay may hotel naman sila roon, ang M Grand Royale Resort Hotel and Convention Center.

At sa nasabing palabas lang din namin nakita ang pananim na stevia na ginagawang asukal na akala mo lang ay damo. Ipinatikim kina Robi Domingo at Sue Ramirez ang dahon na sobrang tamis. Kaya pala mahal ang nasabing produkto dahil organic ito.

Ginutom kami sa panonood habang kumakain ang dalawang host sa La Cucina farm na ang settings ay sa isang dampa at ang mga ulam ay kinilaw, tinola, sinugba, kinilaw, at Samar crab medallions.

Parang gusto naming pumunta tuloy ng Samar, ha, ha, ha.

Sinubukan ding matutunan ni Sue ang paggawa ng banig na isa sa livelihood ng mga tagaroon at hindi madaling gawin kaya sana kapag binentahan tayo ng banig ay huwag nating baratin o huwag na tayong tumawad dahil kakarampot lang ang kita nila.

Sabi nila, napakaganda ng El Nido at iba pang beach resorts sa Palawan kasi nga komersiyal na at naayos na, pero para sa amin, mas maganda ang Samar dahil virgin island pa ito at parang nakikita sa postcard ang kulay asul na dagat na may malalaking bato sa gitna.

Nu’ng nag-landfall na si ‘Yolanda’ ay may mahigit dalawang daang pamilya ang nagtago sa kuweba na hindi raw sila naapektuhan dahil mataas at hindi sila inabot ng tubig.

Ayon sa nakausap ni Robi ay wala silang naramdaman o narinig na anumang ingay at payapa raw sila, maliban sa mga tulo ng tubig mula sa mga bato. Ito raw ang nagsilbing evacuation center ng mga nakaligtas.

Mas maganda siguro kung panoorin ito sa iWant anumang oras para mas lalo itong ma-appreciate lalo na sa mahihilig mamasyal at field trip.

-REGGEE BONOAN