DIRETSO na sa Finals ang University of Santo Tomas matapos makumpleto ang 14-game elimination sweep sa UAAP Season 82 Men’s Table Tennis Tournament nitong Lunes sa Blue Eagle Gym.

Ginapi ng Tiger Paddlers ang University of the Philippines, 3-0, bago pinabagsak ang National University, 3-1, para patatagin ang kampanya na maitala ang back-to-back title at record 28th championship.
Sakabila ng kabiguan, nakuha ng Bulldogs (11-3) ang twice-to-beat bonus sa step-ladder semifinals biang ranked No. 2.
Matikas naman ang De La Salle sapanalo sa Ateneo at University of the East (3-0) gayundin ang Adamson matapos magwagi sa Blue Eagles, 3-0. Tabla ang dalawa na parehong may 9-5 karta. Nagtutuos ang De La Salle at Adamson University sa do-or-die Martes ng gabi at ang magwawagi ay haharap sa Bulldogs.
Sa women’s class, nakabawi ang back-to-back title-seeking University of Santo Tomas sa Ateneo via 3-1 panalo.
Nawalis ng Tigress Paddlers ang second round eliminations para manguna tangan ang 13-1 karta.