WALIS o bagong tuwalya?

SAYAWAN NA! mas mainit at mas gitgitang labanan ang matutunghayan sa krusyal na Game 2 ng UAAP Finals sa pagitang ng Ateneo at UST. (RIO DELUVIO)

SAYAWAN NA! mas mainit at mas gitgitang labanan ang matutunghayan sa krusyal na Game 2 ng UAAP Finals sa pagitang ng Ateneo at UST. (RIO DELUVIO)

Naghihintay na ang hapag-kainan para sa isang makasaysayang selebrasyon sa Katipunan. Ngunit, may vigil sa simbahan ng UST para sa dalangin na madugtungan ang kampanya ng Golden Tigers na makumpleto ang papel bilang ‘cinderella’ sa UAAP Season 82 men’s basketball championship.

Ganap na 4:00 nghapon sa MOA Arena, muling maghaharap ang defending champion Ateneo Blue Eagles at University of Santo Tomas Golen Tigers sa Game 2 ng kanilang best-of-three title series.

Nakaumang ang Blue Eagles para dagitin ang ‘three-peat’ title at kumpletuhin ang 16-game sweep matapos makuha ang Game 1, 91-77.

Brandon Clarke ng Memphis, pumanaw sa edad na 29!

“We understand that this game on Wednesday is a chance to finish the season. And then we’ll let all of you talk about what you think about the team, what you think of whatever is related to our team. Believe me, we just want to play this game on Wednesday well, play it really well. Win the game and whatever comes with that, comes with that,” pahayag ni Ateneo coach Tad Baldwin.

“We don’t want our focus on anything else, especially any talk about records or anything like that. Let’s just play this game on Wednesday and do the best we can,” aniya.

Kung walang magiging hadlang, masusungkit ng Ateneo ang ika-16 titulo sa premyadong collegiate league sa bansa. At nakaaatang sa balikat nina

Isaac Go, Adrian Wong, Matt at Mike Nieto at Thirdy Ravena ang tagumpay ng Blue Eagles.

Sa panig naman ng Growling Tigers, nangako naman si coach Aldin Ayo na bibigyan ng mas magandang laban ngayon ang Blue Eagles kumpara sa Game One.

Mauuna rito, magsisimula naman ang finals series ng UST Tigresses at ng reigning undefeated 5-time champion National University Lady Bulldogs ganap na 2:00 ng hapon.

-Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Mall of Asia Arena)

12 noon – NU vs UST

(Women Finals)

2:30 n.h. - Awarding Ceremonies

4:00 n.h. -- UST vs Ateneo

(Men Finals)