KUMANA ang Pinay bowler na si Krizziah Tabora ng 1194 pinfalls sa six-game series para makausad sa Top 10 ng 2019 Bowling World Cup International finals nitong Lunes sa Palembang, Indonesia.
Target ni Tabora na maulit ang dominanteng kampanya sa torneo na pinagwagihan niya noong 2017 sa Hermosillo, Mexico. Naitla niya ang iskor na 199, 203, 211, 181, 208 at 192 para sa averaged na 100 pinfalls sa unang araw ng kumpetisyon.
Sa men’s division, kumikig ang 20-anyos na si Merwin Tan sa ika-23rd puwesto matapos sa kanyang 1198 sa anim na laro. Umani si Tan ng 183, 225, 210, 200, 191 at 189. Inaasahang babawi pa si Tan sa mga susunod na laro dahil malakas ang kanyang tiwala pagkaraang tumapos bilang pang-11th sa kumpetisyon na ginanap sa Sam’s Town, Las Vegas, Nevada sa nakalipas na taon.
Nanguna si Francis Louw ng South Africa ang unang araw ng men’s division sa kanyang 1345 habang si Natasha Roslan ng Malaysia naman ang nagunguna sa ladies’ division sa 1306.
Kabuuang 73 atleta ang sumabak sa kompetisyon na mahabang panahon ding nadomina ni hall-of-Famer Paeng Nepomuceno.