ISANG 11-year-old girl mula Abuyog, Leyte ang nanalo sa inaugural Munting Mutya Ng Pilipinas 2019 beauty pageant na ginanap sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Theater sa Quezon City nitong Lunes ng umaga.
Tinalo ni Ayumi Chavez, Grade 6 student ng Padre Zamora Elementary School sa Pasay City, ang iba pang 45 candidates para sa titulo.
Si Ayumi ang magiging kinatawan ng Pilipinas para sa Best Kid Model Universe 2020 contest sa Milan, Italy.
Nakuha naman ni Samantha Niebres, ng Olongapo City, Zambales, ang first runner-up.
Si Samantha ang magiging kinatawan naman ng bansa para sa Junior Model International sa Dubai sa 2020.
Bukod naman sa dalawa, wagi rin sina Cassey Thomas ng Cabuyao City, Laguna, bilang 2nd runner-up; Rhoelle Mamorno, Batangas, 3rd runner-up; at Ashanti Madrazo, Montalban Rizal, 4th runner-up.
Hinusgahan ang mga batang beauty queen sa kanilang national costume, cocktail wear at evening gown. Mula sa 46 girls, pumili ang mga judges ng top 21. Hanggang sa bumaba sa top 10, kung saan pinili ang top 5 winners.
Kasama naman sa judging ang kanilang advocacy at ang final question-and-answer.
Habang pinangunahan naman ni dating Mrs. Tourism International 2017 at television personality Dr. Risa Caldoza at international pageant official Onin Mas ang event.
-ROBERT R. REQUINTINA