SUMALI at sukatin ang kakayahan sa ratsadahan sa gaganaping tryouts ng Honda Philippines, Inc. – ang nangungunang motorcycle manufacturer sa bansa – para sa 2020 Honda Pilipinas Dream Cup (HPDC) sa Disyembre 14 sa Clark International Speedway sa Mabalacat, Pampanga.
Nakalaan ang tryouts para sa batang riders na may edad 10 hanggang 17.
Sa tryouts, tanging Honda Honda CBR150R with MotoGP DNA – dinesenyo para sa katumpakan ng galaw at harurot sa racing track – para sa karanasang hindi makukuha sa iba.
Sa mga nagnanais na mapabilang at maging Honda Racers, magsumite ng aplikasyon ng paglahok na makukuha via download sa HPI’s official Facebook page at website. Ipalalabas ng HPI ang mga kumpirmadong aplikasyon sa Nobyembre 28. Nagsimula na ang pagpapatala nitong Oktubre 25 at matatapos hanggang sa katanghalian ng Nobyembre 25.
Sa kasalukuyan, nakasiguro na ng slot para sa 2020 race season ang 14-anyos na si Alfred Jakob Sablaya matapos makuha ang championship trophy. Nakatakda rins iyang sumabak sa Idemitsu Asia Talent Cup Tryouts sa Sepang Go Kart Race Track sa Sepang, Selangor, Malaysia.
Sa ipinakitang talento at kahusayan, malaki ang potensyal ni Sablaya na mapabilang sa listahan nang mga pamosong Pinoy riders, kabilang si HPI protégée at internationalist Troy Alberto.
“Young riders should not pass on this opportunity to experience and participate in the thrilling Honda tryouts race, for it opens doors to various opportunities, including high-ranking local and international competitions,” pahayag ni Hervic Villa, Department Manager ng Motorcycle Planning Office.
Ang naturang racing event ay bahagi ng kampanyang ‘One Dream’ ng Honda Philippines, Inc. na naglalayon na mapagkaisa ang mga motorcycle riders sa layuning mapalakas ang motor sports sa bansa.
Para sa karagdagang detalye sa gaganaping 2020 Honda Pilipinas Dream Cup Try Out, bisitahin ang HPI’s Honda Philippines, Inc. sa Instagram page, @hondaph_mc.