SINAMANTALA ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez ang pagkakataon sa isinagawang Senate hearing na linawin ang mga isyu para sa paghahanda sa hosting ng 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

ramirez

Nilinaw ni Ramirez ang responsibilidad ng PSC sa atletang Pinoy, gayundin ang papel ng Bases Convertion Development Authority (BCDA) na siyang nangasiwa sa pagpapatayo ng mga pasilidad at athletes village sa tinaguriang New Clark City sa Tarlac.

Ayon kay Ramirez, sa bisa ng Tripartite Agreement at sa basbas ng Pangulong Duterte, nakuha ng bansa ang hosting ng biennial meet at ang pagbuo ng Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) na binubuo rin ng Philippine Olympic Committee (POC) at kinatawan ng Executive Office ay bahagi sa isktratura na ipinapatupad ng SEA Games Federation.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Kami sa PSC, focus kami sa preparation n gating mga atleta, from training here and abroad hanggang sa equipment, sagot namin ‘yan. Ang mandato namin para sa atleta. The POC as the National Olympic Committee (NOC) sila ang nakikipag-usap sa mga counterparts nila from 11-member nation, “sambit ni Ramirez.

Kinatigan ito ni Senator Pia Cayetano, isa sa tagasuporta sa Philippine sports, kasabay nang paggigiit na napapanahon na para magkaroon ng world-class training facilities ang bansa at ang NCC at kasagutan dito.

“In 1991 when we hosted the Games, there was MNSOC and then in 2005 we had PhilSoc. Hindi puwedeng PSC lang,” sambit ni Cayetano.

Sa usapin sa mga venues, ang NCC ang main hub at ang Rizal Memorial Sports Cenet sa Manila ay isinaayos na din para magamit sa iba pang sports.

“RMSC is ready for the competition. But the NCA will be use for the closing ceremony and competition in multi-event athletics and swimming,” sambit ni Ramirez.

Kabuuang 10,000 atleta, opisyal at pewrsonnel ang inaasahang darating sa bansa para makiisa sa SEAG.

Pinapurihan naman ni Senador Migs Zubiri ang pamunuan ng PSC, POC at Phisgoc, at naniniwala siya na isang matagumpay na hosting ang kakalabasan ng nasabing biennial meet.

“I would like to congratulate you in advance for the success of the games. And also I would like to say that the venue, the New Clark City it is truly world class. Nakakakilabot kasi may facility na tayo na gaya ng sa Pampanga,” pahayag ni Zubiri.

-Annie Abad